Chapter #56- Reason

815 27 0
                                    

>Xyra's POV<

Hinahagod hagod ko lang ang likod nya habang magkayakap kami... hindi parin sya nagsasalita.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng mahinang hikbi... Hala! Umiiyak ba sya??

"Yuhan! Anu bang nangyari?" tanung ko pero hindi parin nya ako sinasagot at sumisinghot pa sya na tanda na umiiyak nga sya.

Nakaramdam ako ng hindi maganda.. hindi ako sanay na makita si Yuhan na ganito. Kumawala ako sa yakap nya.. gusto kong malaman ang problema nya.

Nang makalayo ako ay saka ko pa nakita ang tama nya na may mga luha.

"Yuhan, sabihin mo sakin.. anu bang problema mo?" Nag-aalala kong tanung pero umiling lang sya saka hinawakan ang kamay ko.

"Pero bakit ka umiiyak?" nagtataka kong tanong.

"Masaya lang ako.." bahagya syang ngumiti.

"Ha?" ang weird nya kasi.

"Masaya lang ako dahil mahal mo ako"- sya.

"Yun lang ang iniiyak mo?" - Ako.

Tumango lang sya.. tsk, pinag-alala pa nya ako yun lang pala.

"So bat nagpunta ka pa dito? Malalim na ang gabi?" tanung ko.. naglalakad na kami ngayon sa park.. maliwanag naman ang bwan.

"Wala lang.. gusto lang kita makita"- sya.

"Magkikita rin naman tayo bukas ha" -Ako.

"Ipis, kung sakaling lalayo ako, mahihintay mo ba ako?" Bigla nyang natanong kaya nabigla narin ako.. Anung ibig nyang sabihin?

"Oo naman,, bakit saan ka pala pupunta?"- Ako.

"Wala, kung sakali lang naman yung tanung ko"- Sya.

-------

"Bessy!!!! Gising na malalate na tayo!!!"

Bigla akong napadilat sabay bangon.. grabe kasi makasigaw tong si Tina.

"Bessy naman eh!" Reklamo ko.

"Hoy Xyra, pag dika pa bumangon jan iiwan talaga namin ikaw!"

Anu pa bang magagawa ko, ayoko naman mag-isa..

Napuyat kasi ako, 2:00am na kasi ako natulog.. si Yuhan kasi ayaw ako patulugin.

Muntik na kaming malate ng dumating kami sa school. Kaya nagmadali kaming pumasok at ilang sandali lang ay dumating na yung teacher namin.

Tumingin ako sa mga boys chairs,  wala si Yuhan! Bat nag absent sya?

Hanggang sa mag luch time na, hindi ko parin sya nakikita.. sinubukan ko syang itext pero hanggang sa matapos kaming maglunch ay hindi man lang sya nagrereply. Tinawagan ko sya pero walang sumasagot,, nag alala tuloy ako.

"Ipis, kung sakaling lalayo ako, mahihintay mo ba ako?"

Biglang pumasok sa isip ko ang katagang yun. Pero kung sakali lang naman daw yun sabi nya.

Habang naglalakad ako papuntang Library ay nakasalubong ko si Divon..

"Divon, nakita mo ba si Yuhan?" tanung ko.

"Nakita ko sya kanina galing sa principal office pero nagmamadali syang umalis hindi kona nga sya natanung eh." Sagot nya,  kaya tumango lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi naman siguro ako iiwan ni Yuhan ng biglaan. :(

>Yanna's POV<

Patawarin mo ako Kapatid ko, pero kailangan kong gawin to. Maiintindihan mo rin ako balang araw.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon