Chapter #67- Kakalimutan kona sya (part 1)

733 27 0
                                    


.

.
>Xyra's POV<

Tama naman yung sinabi ni Divon pero ewan ko, parang nakaramdam kasi ako ng kakaiba kaya umalis ako doon sa party. .

Kumusta na kaya sya??

Matagal narin ang panahon na lumipas at unti unti ko ng naaabot ang mga pangarap ko pero hindi ako masaya:(

"Hayyss kung lagi kang ganyan, tatanda ka talaga promise!"

Bigla akong napalingon sa tabi ko at nakita ko si Zhoff na sa dagat din nakatingin..pero tumingin din sakin..

"Oh ano? Gusto mo bang tumanda ka agad? Wala ng magkakagusto sayo!!" Pang-aasar nya..

"Tumigil ka nga!!" Nakangiti kong sabi sabay batok sakanya..
Lagi nya akong ginaganito eh, tuwing nag eemot ako lagi nyang sinisira pero masaya naman akong kasama sya.

Pero naaawa ako sakanya, tatlong taon narin syang naghihintay na mapansin ko ang feelings nya sakin pero hindi pa kasi ako handang umibig muli..

Isa pa Mahal ko parin si Yuhan kaya ayokong masaktan si Zhoff.

"Eto naman, hindi na mabiro.. wag kang mag-alala, nandito rin naman ako!" Sabi nya ng may malapad na ngiti.. ang cute naman nya, kung minsan naisipan ko rin na pagbigyan kona sya pero para ko naman syang pinapanakip butas, Hindi ko ugali yun noh.

"Xyra, gusto lang naman kitang pasayahin kahit minsan lang..alam kong hindi ako ang lalaking magpapasaya sayo habang buhay pero kahit paminsan man lang, para maipadama ko lang sayo na Mahal talaga kita.. hakit hindi mona yun masuklihan, masaya na akong makita kang masaya Xyra!" mahaba haba nyang sabi.

I feel something weird. . Lagi kong sinasabing ayokong masaktan si Zhoff pero parang araw araw ko naman syang nasasaktan eh.

Bihira lang ang lalaking kagaya nya, na handang magparaya para lang sa taong mahal nya.

Ibang iba sya kay Yuhan.. lagi syang nasa tabi ko kahit na wala lang sakin ang nararamdaman nya, samantalang si Yuhan na minahal ko ng buong puso, iniwan lang ako at kinalimutan.

Nalilito na ako pero siguro tama si Chloe, na bigyan ko naman ng pagkakataong lumigaya sarili ko.

"Bessy, malay mo matutunan mo rin mahalin si Zhoff, napakagood boy nya at mukang hindi ka nya kayang saktan!"

Naalala kong sinabi ni Chloe sakin yun..

.

"Wag kana masyadong mag-isip jan!" sabi ni Zhoff saka ginulo ang buhok ko..

"Salamat Zhoff!" Nakangiti kong sabi saka niyakap nya ako.

"Wow!! May show pala dito! Bakit hindi nyo kami tinawag? Nahuli tuloy kami!"

Bigla kaming napahiwalay at napalingon sa likod kung saang sumigaw si Divon.

"Anu yan Xyra, kayo na ba ni Zhoff!?"- Divon.

"Tumigil ka nga jan Divon!" Sigaw ko. Nang-aasar na naman ang Divon na to.

"Sabi ni Sr. Min, bantayan namin kayo baka malunod kayo sa dagat!" Sabi ni Steven. .natawa nalang ako saka bumalik na kami sa Party.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon