.
>Tina's POV<"Mabuti naman bessy na napag-isipan mong gawin to" sabi ni Chloe.
"Hindi ko naman to gagawin kung para lang sa sarili ko, nakakainis kaya ang babaeng yun.. Pero para kay Xyra, gagawin ko to" sabi ko.
Nandito kami ni Chloe sa daan papunta sa room ni Yuhan dito sa Hospital.
Magsosorry na kasi ako dun sa Ate ni Yuhan para lang naman kay Xyra.
Nandito na ako sa tapat ng pinto at pumasok na dito, nagpaiwan si Chloe sa labas.
"Anung ginagawa mo dito?!" tanung ni Yanna nga ba? Ay tama yun ang tawag ni Bessy Xyra eh.
Pinaningkitan nya ako ng mata at mukang galit sya.
"I'm sorry sa lahat ng nasabi ko kahapon" nakayuko kung sabi.
"Huh! Mabuti naman at nalaman mo ang kamalian mo!" nakangisi nitong sabi.
"Hindi ko naman to ginagawa para sa sarili ko,, pero nakikiusap ako, wag mong tanggalin ang Scholarship ni Xyra!" sabi ko.
"Huh! Yun lang pala ang kinuha mo dito.. Well wag kang mag-alala hindi ko hawak ang university na yun.. Pinamana kay Yuhan yun kaya wala akong kinalaman doon..makakaalis kana!" sabi nya saka humarap na kay Yuhan na natutulog parin.
.
>Xyra's POV<"Talaga bessy!! ginawa mo yun? thank you talaga!" sabi ko kay Tina saka niyakap ko sya.
Nandito kami sa bahay namin,, umuwi kasi ako dito kila Mama tapos pinuntahan nila ako dito.
"Mahal kasi kita eh" sabi nya sakin.
"So Pinatawad kana ni Ate Yanna?"- ako.
"Ewan ko, pero ang Importante na save na kita sa school" sabi nya.
Kaya mejo nalungkot ako.. Kung ganun galit parin si Ate Yanna sakin.
-----
--Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog, lagi ko kasing naiisip si Yuhan.
Nag-aalala ako sakanya, hindi ko pa sya nakikita mula nung maospital sya dahil nangangamba ako kay Ate Yanna.. 2 weeks na ang lumipas pero ayun kila Steven hindi parin daw sya nagigising.
Anu kaya kung dalawin ko sya bukas..?
Pinilit ko ng makatulog, kailangan maaga ako bukas dahil pupunta ako ng Hospital.
.
Kinabukasan~7:15am nandito na ako sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi.
Pero biglang may huminto na sasakyan sa tapat ko.
Saka binuksan nya ang bintana.. Si Zhoff pala.
"Saan ka pupunta Xyra?" nakangiti nyang tanung.
"Pupunta ako ng Hospital eh" sagot ko.
"Halika, sumakay kana sakin" sabi nya.
Tumanggi ako pero natalo ako kaya eto papunta na kami ng Hospital.
--
"Kumusta na pala si Yuhan?" tanung nya.
"Hindi parin daw sya nagigising" malungkot kong sagot.
Nandito na kami sa loob ng Hospital.
"Excuseme lang Xyra, hintayin nalang kita sa labas ah" paalam nya kaya tumango lang ako saka umalis muna sya at mukang nagmamadali.
.
Nandito na ako sa tapat ng room ni Yuhan..Kinakabahan ako, baka magalit sakin si Ate Yanna eh.Pero binuksan ko parin ang pinto at pagpasok ko, walang ibang tao doon maliban kay Yuhan na nakahiga na natutulog parin hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Teen Fiction#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...