A/N: Ginawa ko ng another chapter ito, ewan ko kasi kung anung nangyari.. matatapos na sana ang Chapter 67 pero biglang nagloko ang Wattpad ko.kahit anung gawin ko kalahati parin ang naisesave. At kung may mga mali doon sa part 1, ay kayo ng bahala magpatama dahil hindi kona maedit.. Kainis lang talaga...
>Xyra's POV<
Pagkatapos naming magcelebrate ay umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. .bakasyon na kasi, kaya walang ng tao sa Condo. .
Hinatid pa nila ako sa bahay namin at gabi na ng dumating kami dito.
"Bye Bessy!!"
"Sige Salamat, mag-iingat kayo!" Sabi ko.. kumaway pa sila saka tuluyang umalis.
Pumasok narin ako sa bahay at dumeretso sa kusina kung saan andun si Mama.. ni kiss ko sya sa pisngi.
"Kumusta ang lakad nyo Anak?"
"Ayus lang naman po Mama, nakakapagod lang"
"Kumain kana ba?"
"Opo, sige magpapahinga lang po ako" sabi ko saka pumasok na ako sa kwarto ko.
Tumalon ako sa kama ko at pumikit.. Napagod ako sa byahe eh.
Sa pamamahinga ko, bigla kong naalala si Yuhan.. nung una kaming magkita at naging magkaaway pa kami hanggang sa minahal na namin ang isat isa.
Pero sakabila ng lahat ng pinagsamahan namin ay hindi ko inaasahang mauuwi din pala sa ganito, na walang sapat na Salita kung kami pa ba or wala na talaga..
Napapagod na akong umasa sa wala, kaya napagpasyahan kona lang na-
.
.
Kakalimutan kona sya.. simula ngayon pag-aaralan ko nang kalimutan si Yuhan.
.
.
Bumangon ako at kinuha ko ang lahat ng mga litrato naming magkasama na nakapaskil sa pader ng kwarto ko, pati na ang mga gamit na may alala ako sakanya.. nilagay ko yun lahat sa isang kahon at dinala ko sa labas.Pumunta ako sa bakuran ng bahay namin na kung saan may bonfire dito.. isa isa ko ng tinapon sa apoy ang mga litrato namin ni Yuhan.. Naluluha ako habang ginagawa ito dahil nagrereflect sa isip ko ang lahat ng nakaraan namin..
Nung una pa kaming magkita at nagkatabi pa kami ng upuan sa room.
Nung tinanggap ko ng napipilitan ang kondisyon nya sakin na ipasa ko ang mga subjects nya.
Yung paglagay nya ng isip sa laboratory room para takutin ako at yung paggkulong nya sakin sa stockroom sa rooftop.
Yung pagka trapped namin sa ladies room,, yung lagi nyang pagtatanggol sakin kahit na napapahamak na sya.
Nung macomatose sya dahil sakin at nung ma kidnapped ako, nandun din sya.
Hanggang sa mga sandaling magkasama na kaming nagmamahalan.. nung magpaalam na sya na aalis na sya at nung huling pagkakataon na nakita ko sya at nayakap, nahalikan.. Nasa Airport.
Masakit sakin ang ginagawa kong ito pero tinuloy ko parin,, sinunog kona ang lahat ng bagay na may alala ako sakanya hanggang sa isa nalang ang natira..
Yung necklace na binigay nya sakin nung closing day namin nung Grade11 kami.. sa loob nito ay picture naming dalawa.
Itatapon kona sana sa apoy pero parang may biglang pumigil sakin.. nag-aalinlangan akong itapon ito, parang may bumubulong kasi sa magkabila kong tainga.
Sa Kaliwa..
Itapon mona yan dahil wala na sya, hindi kana nya babalikan, umaasa ka lang sa wala.Sa Kanan..
Wag! Itago mona lang yan, Malay mo babalikan ka rin nya.. tandaan mo, ang pagsisisi ay laging nasa huli.Naguguluhan ako pero sa huli ay imbis na itapon ko ay siniksik kona lang sa bulsa ko.
Pinahid kona ang mga luha ko saka bumalik na sa loob ng bahay..pero nakasalubong ko si Mama. Mukang nakita nya yata yung ginawa ko.
"Sigurado kana ba Anak sa pasya mo? Kakalimutan mona ba sya?" Tanung nya kaya biglang tumulo ang luha ko at niyakap sya.
Alam ni Mama ang lahat ng naranasan ko, sakanya rin ako kumukuha ng lakas ng loob.
"Napapagod at nahihirapan na po kasi ako..kaya tingin ko ito po ang Tama!" Umiiyak kong sabi habang yakap sya.. hinagod hagod nya ang likod ko.
"Sundin mo kung anu ang nasa loob mo Anak, susuportahan kita. Nandito lang lagi si Mama Ok?" Sabi nya.
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya..nagpapasalamat ako dahil meron akong inang very supportive.
-----
-
"Sigurado kana ba Bessy?" tanung ni Tina.
Sinabi kona kasi sakanila yung pasya ko kaya mukang agree naman sila.
"Sigurado na ako Bessy!" sagot ko.
Nandito kami sa isang Restaurant, niyaya kami ni Clere dito.
.
"Mabuti naman at nagpasya kana Bessy para hindi kana nahihirapan pa" sabi ni Clere. ."Isa pa Bessy, baka pwedi mo ng pansinin si Zhoff!" nakangiting sabi ni Chloe. .
"Oo nga Bessy!" Sang-ayon ni Clere at nagkatinginan silang lahat saka..
"Boto kami sakanya Bessy!" sabay sabay nilang sabi with bright smile..
Natawa ako sakanila..
.
.
.
========================
A/N: Guyss Need ko ang opinions nyo.. Agree din ba kayo gaya nila Clere, Chloe at Tina? Na buksan na ni Xyra ang puso nya sa iba?
ZHOFF_ HERE
YUHAN_ WAITINGVOT AND COMMENT:)
#Fhar PSN
//05//
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Novela Juvenil#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...