Chapter #38- Missing

964 37 1
                                    


.
>Yuhan's POV<

Tangina!!! Naligaw na ako.. Saan kasi nagpunta ang Ipis na yun??

Hayyss, bahala na nga.. Hahanapin kona lang sya, dibale ng maligaw kaming dalawa basta hindi pweding mag-isa lang syang maligaw.

Sinusundan ko kasi sya pero mukang ibang direksyon ang napuntahan ko kaya eto, naliligaw na ako.

Pero hindi ako nag-aalalang maligaw ako dahil alam kong ipapahalughog ni Papa itong bundok.

Pero nag-aalala ako kay Xyra, baka may mangyaring masama sakanya dito.

.

.

"Aaaaahhhhhhh!!!"

Bigla kong may narinig na sigaw.. Si Ipis na siguro yun! Kaya sinundan ko yung sigaw na yun.

Nakarating ako sa isang bangin pero parang hindi naman bangin kasi hindi masyado malalim.

"Aray!!"

Nakarinig ako ng ungol doon sa ibaba.. Boses ni Xyra yun eh.

"Xyra!!" Sigaw ko.

"Nandito ako!!" sigaw naman nya.

Hala mukang may nangyari sakanya..

"Sandali lang!" sigaw ko.

Naghanap ako ng lubid saka tinali ko yung sa isang puno at kumapit ako dun sa tali saka unti-unti akong bumaba.

Pero tangina naman,,naubos na kasi yung tali pero hindi pa ako dumating sa ibaba.

Napapikit ako saka nag-isip. Shit!! Hindi ko maareng iwan si Xyra dito kaya binitawan kona yung tali at nagpagulong gulong na ako hanggang sa makababa ako.

"Aray ko" ungol ko,, ang sakit ng katawan ko eh.

"Yuhan!?"

Napatingin ako kay Xyra na nasa tabi ng malaking bato.

Bumangon ako at lumapit sakanya.

"Ayus ka lang ba?" tanung ko.

"Nasugatan ako sa paa" sagot nya at nakita ko yung binti nya na dumudugo.

Kinuha ko yung panyo ko na nakatali sa ulo ko at tinali ko sa binti nya para pigilan ang pagdugo.

"Yuhan, paano mo nalamang nandito ako?"

Napatingin ako sa mga mata nya na ang amo,,, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Narinig kitang sumigaw" sagot ko.

Nakatingin lang sya sakin.. Shit!! Bakit ang ganda ganda nya!?
Umiwas nalang ako ng tingin.

"Kailangan natin gamutin yung sugat mo" sabi ko.

"Wag na muna,, kailangan makaalis na tayo dito dahil maggagabi na" sabi nya.

"At paano tayo aalis dito? Eh ang hirap kayang umakyat lalo't may sugat ka pa, isa pa hindi kona rin alam ang daan pabalik!" sabi ko.

"Kung ganun naligaw ka din?"- Sya. Tumango nalang ako.

Kaya napabuntong hininga nalang sya na parang nawalan ng gana.

-----

Nagbonfire kami para may ilaw ,, madilim na kasi eh.

Nakakainis, wala pa naman signal dito sa gubat kaya wala akong matawagan.

Bumalik nalang ako sa bonfire, nakita ko si Xyra na hinahawakan yung binti nya.

Lumapit ako sa tabi nya.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon