>Xyra's POV<
Min Sherry Monticlano
Born: 1976 Dead: 2012
Age: 36
RIPNakatingin ako sa puntod ng Mama ni Yuhan..Umiiyak sya habang kinakausap ang Mama nya, pinakilala pa nya ako dito.
Naiiyak narin ako, alam kong mahirap para sakanya ang umalis pero kailangan lang talaga.. Mahal ko si Yuhan kaya susuportahan ko sya.
Pinahid ko ang mga luha ko.. pipilitin kong wag umiyak ngayon.. next week pa naman ang alis nya kaya dapat lagi akong nakangiti. Bigla nya akong inakbayan.
"Hintayin mo ako ha!" sabi nya saka hinalikan ang noo ko.
"Oo naman.." nakangiti kong sabi.
Niyaya pa nya akong kumain sa isang Restaurant. At namasyal pa kami sa Park.
"Wag mo kong ipagpapalit ha" sabi nya habang naglalakad kami sa Park kaya napangiti ako.
"Ikaw ang dapat kong sabihan ng ganyan noh, ang dami kayang magaganda doon sa Korea" pout Kong sabi.
"Pero wala ng mas hihigit pa sayo noh!" sabi nya. Ouch kahit papano kinilig naman ako nito. Napangiti nalang ako ng patago.
"Hoy Ipis, wag kang assuming, ang Pangit mo kaya!" sabi nya saka biglang tumakbo kaya hinabol ko sya.. Aba inaasar ako ha!
Maaabutan kona sana sya pero biglang napatid ang paa ko kaya napasigaw ako nung matutumba ako at mabilis naman syang bumalik at nasalo ako. Nadaganan ko sya pero gumulong sya kaya ako na ngayon ang nasa ilalim.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo?" sabi ko pero tumawa sya.
"Ang sabi ko, napakaganda mo!" Natatawa nyang sabi saka hinalikan nya ang ilong ko.
----
>Zhoff's POV<
It's Friday, ngayon ang araw ng pagsundo ko kay Momsy sa Airport. . Yasss finally umuwi narin sya dito, I Miss my Momsy♥.
Ilang sandali lang ay narating kona ang Airport. . 9:45am na.
10:00am pa ang pagdating ng Eroplanong sinakyan ni Momsy.Naghintay lang ako sandali pero bigla may dumaan sa harap ko na dalawang tao. Babae at Lalaki at teka! Si Yuhan yung lalaki ah.
Saan kaya sya pupunta? may dala kasi syang maleta. Hindi ko nalang sya pinansin baka magbabakasyon lang.
Maya maya lang nakita kona si Momsy at sinalubong ko sya ng yakap.
Pumasok na kami sa kotse ko pero sa Restaurant kami pupunta ngayon, nagugutom kasi sya.
"Wait lang Momsy, mag CCR lang ako" paalam ko habang hinihintay ang inorder namin.
Pagkalabas ko ng cr ay nakasalubong ko bigla si Steven.
"Oh Zhoff, nandito ka pala!?" Sabi nya.
"Oo, sinundo ko kasi si Momsy sa Airport" sabi ko saka nilampasan na namin ang isat-isa.
Pero bigla kong naalala si Yuhan kanina kaya napahinto ako at tinawag muli si Steven.
"Teka lang Steven!" Tawag ko.
"Bakit?" His ask.
"Saan pala pupunta si Yuhan?"- Ako.
"Ahh, actually sa Korea na kasi sya mag-aaral ngayon!" pout nyang sabi with sad face.
"So bakit hindi nyo man lang sya hinatid? Dalawa lang sila nung kasama nyang babae kanina!" I said.
"Kanina?!" pasigaw nyang reaction.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Novela Juvenil#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...