.
>Stiven's POV<
Kung paano sya nasaktan,, mas lalo pa akong nasasaktan na makita syang nasasaktan.
Pero ito lang ang tanging paraan upang maprotektahan ko sya.😢😢😢
.
Ako nga pala si Stiven Lim ang Playboy ng Campus.
Oo, inaamin Kong Playboy ako ngunit walang sinong nakakaalam maski mga kaibigan ko na may nag mamay-ari na ng puso ko.
At yun ay walang iba kundi si Miss Cloe Kim Madrigal.
Since Grade 7, sa Monticlano University na ako nag-aaral, at lagi akong naglalaro ng mga babae, marami na akong napaiyak.
Gawain kona talaga ito, parang lahat ng babaeng makikita ko ay gusto kong ligawan at pagkatapos ay iiwan din.
Kaidami ng babaeng dumaan saaken, ngunit ni isa ay wala akong minahal.
Ng mag Grade 10 na ako ay dito nagsimulang tumibok ang puso ko.
May tatlong babae kasing nagtransfer dito at isa sakanila ang laging gumulo sa ipis ko at laging nagpapatibok ng puso ko.
.
Palagay ko sya na yung babaeng mamahalin ko..
Iba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko, dahil ni hindi ko sya kayang ligawan o lapitan man lang.
Sakanya lang ako nahiya. Tuwing magkatabi kami pag may activity, lumalayo ako kasi hindi ako mapakali at lagi akong kinakabahan tuwing malapit sya sakin.
.
Pero isang araw, nalaman ko nalang na may crush pala sya sakin.
Paano ko nalaman? Kasi sinusubay bayan ko sya na laging nag-iiwan ng chocolate at letter sa locker ko.
Ang saya saya ko dahil crush din ako ng crush ko.
Pero hindi ko sya maligawan dahil sa kilala na ako dito bilang Playboy.
Playboy na kasi ako bago ko pa sya nakilala kaya Ayoko syang masaktan kaya nilihim ko nalang ang feelings ko sakanya.
Pero habang tumatagal mas lalong lumalala ang sitwasyon.
Kasi sa inakala kong titigilan nya ako dahil sa Hindi ko sya pinapansin ay mas lalo pa nya akong sinusundan, saan man ako magpunta.
Yes, alam kong sinusundan nya ako pero di nya alam na alam ko yun.
Hanggang ngayon Grade 11 na kami ay sinusundan parin nya ako kaya mas lalo kong pinatindi ang pagiging Playboy ko.
Nambababae ako sa harap nya para mainis sya sakin at para maayawan na nya ako pero hindi nangyari yun.
Hindi parin sya sumuko.. Nung maging assistant ko sya bilang parusa nila, inutusan ko syang kunin yung # ng girl at hanapan ako ng chicks.
Pero parang dinurog ang puso ko nung makita syang umiiyak sa cafeteria.
Nasasaktan ako pag nakikita ko syang umiiyak dahil sakin.
Pero hindi pa ako nakuntento, nagbabakasakali parin kasi ako na baka sukuan na nya ako.
Nung mag celebrate sa gym para sa pagkapanalo namin sa basketball ay nambabae parin ako sa harap nya..
Pero umiyak na naman sya noon sa labas ng gym.
Kaya nung makita kong sinasayaw sya ni Jun, hindi kona napigilan ang sarili ko na pumalit ako kay Jun at isinayaw ko sya.
Narinig ko ang usapan nila ni Tina sa labas ng gym kaya uunahan kona sya.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)