Chapter #62- New Xyra

874 24 3
                                    


>Xyra's POV<

"Tayo na mga bessy..hapon na kasi" yaya ko sakanila.

Ayoko mag stay dito sa school kung wala namang ginagawa eh. Kung hindi lang kay Tina yung susi ng Van ay kanina pa kami umuwi.

Hinatid kami nila Divon at Steven sa Condo at pagdating namin dito ay dumeretso agad ako sa kwarto saka binuksan ko ang Laptop ni Clere para ichat si Yuhan.

Pero nalungkot ako dahil hindi sya Online... Nakakainis naman.

"Bessy!!" Panggugulat ni Chloe sabay yakap sakin.

"Oh bakit malungkot ka? Anu ba yang ginagawa mo?" tanung nya saka tinignan yung Laptop.

"Ayy, hindi Online si Yuhan:(?"- Chloe.

"Hoy Chloe! Wag mo ngang guluhin si Xyra!" Sabi ni Tina kaya lumayo ito sakin.

Nag message nalang ako kay Yuhan... para pag nag-open sya ay mabasa nya. Ni close kona rin ang Laptop pagkatapos ko mai sent.

Kinuha ko nalang yung books ko at nagreview.. masyado na kasi akong bumaba sa mga Quiz ko, hindi to maaare, pag bumaba ako sa exam nato tiyak na mawawala sakin ang scholar ko.

KINABUKASAN

Dumating kami sa school na bad mood parin ako..kasi naman hindi man lang nag online si Yuhan hanggang ngayon. Na miss kona talaga sya.

Dumeretso ako sa locker ko para kunin ang mga books ko.

Pero Habang kinukuha ko ang mga books ko sa loob ng locker ko ay may bigla akong narinig na nagsalita.

"Hay nako, kawawa naman yung salot dito school, iniwan kasi bigla ng boyfriend hahaha!"

"Oo nga, sabagay sinu naman ang tatagal sakanya, eh kumpara kay Yuhan, paa lang sya nun!"

"I think, Yuhan never back again, wala naman kasi syang dapat balikan pa dito noh?"

"Correct ka jan Girl"

Alam ko kung sinu yung mga nag-uusap na yun.. ang grupo lang naman ni Devora. At alam kong pinaparinigan nila ako.

Bad mood na ako ngayon tapos dadagdag pa sila. Binalik ko sa loob yung mga books at sinara ko ang locker ko saka hinarap ko sila. Hindi kona palalagpasin ang sandaling to, lalabanan kona sila. Lumapit ako dito.

"Bakit hindi nyo nalang ako diretsuhin? Bat kailangan nyo pa akong parinigan? Naduduwag kayo?" Tanung ko habang pinaniningkitan sila ng Mata.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero hindi ako natatakot sakanila ngayon.

"Matalino ka nga talaga Xyra at nalaman mo agad na ikaw ang tinutukoy namin! But for you information hindi kami naduduwag noh!" plastic smile na sabi ni Devora.

"Ok, so Anu nga yung sabi nyo? Salot ako? Huh! Baka kayo ang salot!" mataray kong sabi.

"Aba! Nagtataray kana ngayon ah! Nagmamayabang ka dahil girlfriend ka ni Yuhan?"- Devora.

"Hindi ako nagmamayabang pero napupuno na ako sainyo!"- Ako.

"Wow! Napupuno kana? Edi lumayas kana dito para wala ng salot dito.. isa pa kung pinagmamayabang mong girlfriend ka ni Yuhan, huh kala mo matatakot kami sayo? Eh iniwan ka nga ni Yuhan eh kasi basura ka lang kumpara sakan-" hindi kona pinatapos sa pagsasalita si Mertell dahil bigla ko nalang sya Sinampal. Ayun tumilapon sya sa sulok.

Nakakainis na sila ah.. makapanghusga wagas.

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila Devora at Cintia sa ginawa ko sa kaibigan nila kaya lumapit sakin si Cintia at aakmang sasampali din ako pero mabilis kong nasalo ang kamay nya at sinampal ko ng isa kong kamay saka tinulak ko sya.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon