.
>Cloe POV<.
"Hoy Cloe kanina ka pa jan, hindi naman magbabago yang mukha mo ah!" sigaw ni Tina."Oo na, patapos na ako!" sabi ko.
Kailangan ko magpaganda, ngayon kasi ang Celabration sa school para sa pagkapanalo nila Stiven.
At titiyakin kong ako ang pinakamaganda sa lahat ng babae ni Stiven.
Bumaba na ako, kanina pa kasi sigaw ng sigaw si Tina, hindi ba sia nauubusan ng boses?
"Oh ano? Ikaw parin naman si Cloe ah, hindi ka rin naging si Kim Yoojung kaya bakit sobrang tagal mong mag make up!"
Diko nalang sia sinagot, nagpout lang ako.
.
6:30pm na.
Nandito na kami ng Gym at ang daming tao, pero puro Students lang at Teachers.Nakadress ang lahat ng mga babae pero may ilan din na nakagown tapos yung mga boys ang cool ng mga outpit nila.
.
Nakita kona rin si Yuhan na naka bandage yung kilay, nagsuntukan kasi ito kahapon sabi ni Xyra at si Divon na naka Monkey Cap, yung nilalagay ng mga bata sa ulo nila na tiger pa yung iba, may pagkachildish to eh.Pero hindi ko makita si Stiven ko. Kaya lumayo ako sa mga bessy ko at hinanap si Stiven.
.
Kanina pa ako ikot ng ikot pero hindi ko parin makita si Stiven.
Napabuntong hininga nalang ako at umupo muna.
Pero bigla kong naiangat ang ulo ko, kasi nagreflect sa mata ko ang ngiti nia kaya napalingon ako sa bandang kanan at ayun nakita kona nga sia.
But sad to say may kasama siang babae at napakacloser nila.
Hindi na ito nakakagulat kaya lang bakit nasasaktan ako?
Pero gayun pa man lumapit parin ako sakanya, ikucongrats ko sia muli.
"Hi Stiven, congrats pala ulit" bati ko.
"Salamat Cloe" nakangiti niang sabi. OMG ang gwapo nia talaga.
.
"Miss, kung wala ka ng kailangan pwedi umalis kana? Hindi kami makapagconsintrate eh" sabi nung babae nia. Tsk, mas maganda pa kaya ako sakanya, at ang landi pa nia.
Tumingin ako kay Stiven pero tinaasan lang nia ako ng kilay kaya umalis nalang ako.
Hindi naman ako tanga pero nagpapakatanga lang sakanya, kaya alam ko yung ibig niang sabihin na gusto na nyang umalis ako kasi hindi sila makapaglampungan nung malandi nyang babae.
.
Hindi kona napigilan ang sarili ko, napaluha nalang ako.Lumabas ako ng Gym, parang nawalan na ako ng ganang magparty ngayon.
Umupo ako sa sofa at tumingin sa mga bituin sa langit habang lumuluha.
I'm so pathetic, akala ko noon pagmayaman ka makukuha mo ang lahat ng nais mo pero hindi pala.
Dahil may isang bagay ka parin talaga na hindi kayang bilhin ng yaman mo, yun ay ang puso ng isang tao.
Kagaya ko, mayaman nga pero kaawaawa ang sitwasyon ko pagdating kay Stiven.
Dati pagmay kasama siang babae parang normal lang sakin yun, hindi naman ako umaabot sa puntong lumuluha ako.
Pero ngayon, parang nahihirapan na ako.
"Kasalanan mo rin naman eh"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Tina na nakalapit na sakin.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Ficção Adolescente#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...