Chapter #58

774 25 0
                                    


>Yuhan's POV<

Habang naglalakad ako sa kawalan ay may narinig akong boses at tinatawag ang pangalan ko.

"Yuhan.n.n.n!"

Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakikitang tao, puro puti lang ang nakikita ko.

Pero pagharap ko may biglang babaeng lumitaw sa harap ko at nagulat ako nung makilala ko sya.

"Mommy!?" tawag ko,, patay na si Mommy pero bakit nakikita ko sya? Patay narin ba ako.?

"Hindi ka pa Patay anak.k.k.k" sabi nya.

"Mommy!" Tanging nasasabi ko lang.

"Patawad Prinsipe ko kung iniwan kita.a.a.a!" Bawat salita nya ay umaalingaw ngaw sa huli.

"Mommy, bakit nyo po yun ginawa?" Naluluha kong tanung.

"Kasi mahal kita anak at kahit masakit, gagawin ko para sayo.o.o.o!"  Nakangiti pa nyang sabi.

Lumapit ako sakanya at yayakapin ko sya pero hindi ko sya mahawakan, parang hangin lang kasi sya. Napaiyak nalang ako.

"Yuhan.n.n.n. Kailangan mong magpakatatag para sa taong mahal mo.o.o! Mahal kita anak ko, maiintindihan mo rin ako.o.o.o!" Sabi nya saka unti unti na syang naglaho.

"Mommyyyy!" Tawag ko pero wala na sya.

------

"Mommmmyyyyyy!!!"

"Hoy, Yuhan!!"

Bigla akong napamulat sa malakas na hampas sa mukha ko, pagmulat ko nakita ko si Steven na nakataas ang kilay.

"Anung nangyayari sayo Dude? Para kang baby kung makatawag ng Mommy!"  Sabi nya.

"Common sense Steven, natutulog sya kaya malamang nananaginip!" Sabat ni Divon..

"Pasensya na kayo Dude" sabi ko sabay kamot sa batok.

"Hindi ka ba sasama sa baybayin? Andun na silang lahat!" Sabi ni Steven sakin.

"Susunod nalang ako Dude" sabi ko kaya lumabas na sila.

3:05pm na pala, .nagpalit ako ng pink T-shirt.  Bigla kong naalala yung sa panaginip ko.

"Kasi mahal kita anak at kahit masakit gagawin ko para sayo!"

Hindi ko masyado maintindihan si Mommy but I think may dahilan sya kaya nya nagawang iwanan ako.

Siguro pareho lang kami ni Mommy,, masakit na iwanan ko si Xyra pero dahil mahal ko sya, kahit mahirap gagawin ko para sa ikabubuti nya.

Lumabas na ako sa hotel at pagdating ko dito sa baybayin nakita kona yung mga kaibigan ko na ang sasaya nila.

Si Chloe at Steven nasa gilid ng dagat na naghahabulan.

Si Divon at Tina nasa kalawakan na naglalaro ng Badminton.

Si Clere nagbabalat ng fruits orange habang nag iihaw ng BBQ si Sr. Min.

And the last, si Ipis na nakangiting papalapit saaken.

"Bat ngayon ka lang?" Tanung nya ng makalapit.

"Napasarap tulog ko, sorry ha" nakangiti kong sabi.

"Tara?" Nakangiti nyang yaya sakin at sumunod na ako. Sumali kami kila Divon sa pag-lalaro.

Gusto ko munang I enjoy ang outing na to bago ko sasabihin sakanila ang pag-alis ko.

>Clere's POV<

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon