Chapter #53

882 25 5
                                    


>3rd Person's POV<

"Bessy bili tayo ng T-shirt, yung pareho tayo magbebessy!" sabi ni Chloe kay Tina, nandito kasi sila sa Mall.

"Eh, bakit hindi mo nalang gawin yun, sinasabi mo pa sakin!" mataray na sabi ni Tina.

"Bessy naman eh, sempre sasabihin ko muna sayo kasi pano kung ayaw mo edi sayang lang" pout nitong sabi.

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin, wala ako sa mood" parang inis na sabi ni Tina.

"Teka nga muna Bessy, bakit ba lagi nalang mainit ang ulo mo nitong mga nakaraang araw?" nagtataka nitong tanung with simangot.

"Ewan ko sayo!" Umirap nyang sabi.

"Hmm, dahil na naman siguro kay Divon to noh!?" nakangisi nitong sabi. Pero umirap lang sya.

"Alam mo Bessy, tingin ko natotorpe lang si Divon eh, kaya kung ako sayo ikaw nalang ang Magtapat, kagaya nung ginawa ko!"- Chloe.
Humarap sya sa kaibigan.

"Hoy Chloe, wag mo kong igaya sayo noh dahil mahal ka talaga ni Steven, eh yang Divon na yan, yun din ang akala ko na gusto din nya ako pero may girlfriend na pala sya!" Nakangisi nyang sabi saka umirap.

"Ano?! Imposible yun Bessy,, alam mo ayoko din sanang sabihin sayo to pero gusto ko kasing gumanda mood mo.. Sinabi kasi ni Steven sakin na sabi daw ni Divon maghahanap lang daw sya ng tamang panahon dahil magtatapat na sya sayo!"- Chloe.

>Tina's POV<

Totoo kaya yun? Hmm Pero..

"Kung totoo yang sinasabi mo eh sinu yung babaeng kasama nya nung isang araw?" Tanung ko.

"Bessy, wala ka naman sigurong proof na girlfriend nga nya yun, malay mo relative lang nya or friend"- Chloe.

Oo nga noh, pero paano kung totoo nga yung hinala ko? Nakakainis talaga😬😬. Pero kailangan Kong malaman ang totoo.

Bigla akong napatingin sa mga Cosmetics may nakita kasi akong babae na parang pamilyar.

At tamang tama, yung sinasabi kong girlfriend ni Divon yung nakikita ko, huh mukang malalaman ko ang katotoohanan dito.

"Bessy, ayus ka lang?"

Hindi ko sinagot si Chloe at lumapit ako dito sa babae.

"Bessy, saan ka pupunta?"- Chloe.

Pagkalapit ko dito sa Cosmetics ay hinawakan ko yung balikat nung girl saka pinaharap sakin.

"Hoy, babae umamin ka nga sakin! Anu ka ni Divon?!" Mataray kong tanung pero kumunot ang noo nya.

"Who You?"- Sya.

"Who you, who you ka jan! Tinatanung kita, Anu ka ni Divon?!" Naiinis na ako kasi ngumingiti pa sya.

"Ahh, si Divon ba, hmmm his my-- ay teka ikaw ba yung-"

Hindi kona sya pinatapos dahil hinawakan ko sya ng mahigpit sa magkabilang braso,, nakakairita na sya ah, instead na sagutin ako, tatanungin na naman nya ako.

"Hoy, umayus ka ha. Pag tinanung ka, sumagot ka hindi yung nagtatanung ka pa!" Pinandilatan ko pa sya ng mata, kaya parang natakot yung mukha nya, nanggigil na kasi ako eh.

"Eunji?!"

Sabay kaming napatingin sa tumawag at nakita ko si Divon na nagulat nung makita ako, kaya binitawan ko agad itong babae.

"Tina, anung ginagawa mo sakanya?" tanung nya ng papalapit saamen.

Tsk, pinagtatanggol pa nya ang gagang to..

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon