Chapter #52

930 31 0
                                        


.

>Divon's POV<

Habang naglalakad ako paalis dito sa bar ay bigla kong nakasalubong si William na hawak hawak ang ulo nya.

"Divon?" tawag nya sakin ng makita ako, tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Nakita mo ba si Tina? Lasing ang babaeng yun eh, pero dikona alam kung saan sya nagpunta matapos nya akong itulak at mawalan ng malay" sabi nya.

Kung ganun sya ang kasama ni Tina maglasing? At teka, tinulak sya? So may ginagawa sya kay Tina? Bigla ko syang sinugod at hinablot ang kwelyo nya.

"Sabihin mo, anung ginawa mo kay Tina nung malasing sya ha?" nanggigigil kong sabi.

"Ow teka lang Dude, wala Kong ginawa sakanya ah,, sya nga ang may ginawa sakin eh!" kunot noo nyang sabi. Pero mas lalo pa akong nagalit sa sinabi nya.

"Gago ka, so hinayaan mo lang na may ginawa sya sayo? Anu, hinalikan ka ba nya or what?" galit kong tanung pero tumawa sya.

"Dude, ang ibig kong sabihin na may ginawa sya saken ay itong ulo ko, inuntog nya doon sa sementong istatwa kaya nawalan ako ng malay" paliwanag nya kaya binitawan kona sya.

"Teka,, wag mong sabihing may gusto ka din kay Tina?" tanung nya pero hindi kona sya sinagot, umalis nalang ako dito sa bar.

.

--------

.
>Xyra's POV<

Kararating ko lang dito sa Resto na pagkikitaan namin ni Zhoff, magpapaliwanag na kasi ako sakanya...

Pagpasok ko, nakita kona sya na nakaupo sa pinakadulong lamesa.. Lumapit ako sakanya.

"Bakit hindi mo kasama si Yuhan?" tanung nya ng makaupo ako.

"Zhoff, galit kaba sakin?"- Ako.

Sumuluyap muna sya sa kabilang dako bago nagsalita.

"Bat naman ako magagalit sayo?"- Sya.

"Eh kasi, tinago ko yung tungkol samin ni Yuhan,, I'm sorry Zhoff😳! Pero ayoko lang kasing laitin ako ng iba,, pero nagkamali ako na pati sayo nilihim ko pa." pagpapaliwanag kong sabi. Pero hinawakan nya ang kanang kamay ko.

"Xyra,,hindi ako galit sayo, Oo inaamin kong nabigla talaga ako sainyo at sempre masakit din..!" bigla syang yumuko.. Pero tumingin din agad sakin, malungkot ang muka nya..

"Xyra, alam kong huli na para sabihin ko ito sayo pero noon pa man ay gusto na talaga kita!"

Nagulat ako sa sinabi nya pero mas nagulat ako sa biglaang pag ubo ng lalaki mula sa likod ko.. May TB kaya ito? Hindi man lang nag excuse, kung maka ubo wagas.. Bumaling na ako kay Zhoff.

"Pero ok lang sakin ang lahat kahit masakit,, masaya na akong makita kang masaya!" nakangiti nyang sabi pero alam kong malungkot sya.

"Sorry Zhoff kung nasaktan kita,, pero salamat!" sabi ko saka tumayo ako at lumapit sakanya saka niyakap ko sya.

"Ok lang!"sabi nya.

------

Namasyal pa kami ni Zhoff, gusto ko lang kasing pasayahin sya,, alam ko kasi malungkot sya at dahil sakin yun.

Pinaka ayaw kong may masaktan ako lalo na pag kaibigan ko,, pero si Zhoff, hindi ko lang sya basta kaibigan, naamin kona rin sainyo na naging crush ko sya sa unang kita ko palang sakanya.

Siguro kung umamin lang sya noon marahil sya narin ata ang boyfriend ko ngayon.. Pero hindi naman ako nagsisisi na si Yuhan ang minahal ko.

"Palamig ka muna" sabi nya saka inabot sakin yung soft drinks.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon