Chapter #19- Cleire Past

1.1K 50 1
                                    

A/N: Yung pagbasa sa Cleire ay 'Klerl'

.

>Cleire POV<

"For you information hindi sia slut!"

Ng makalapit ako, nakita kona silang dalawa at nakilala ko yung lalaki.

.

Siya si Matheo, ang lalaking kaisa-isa kong minahal noon ngunit siya rin ang sumugat sa munti kong puso noon.

"Matheo!" mahina kong nasabi pero mukang narinig nila at ayun nakita ako ni Matheo na parang hindi makapaniwala.

"Cleire?" tawag nia saka lumapit sakin pero hinila sia nung babae.

"Hey, wag mo kong talikuran!" Sabi nung babae pero tinulak sia ni Matheo.

"Lumayo ka sakin!" Sigaw nia dito kaya napilitang umalis yung girl pero inirapan ako nito.

Tsk. Kala mo naman maganda.

"Cleire, matagal kana ba dito?"

Lumingon ako kay Matheo.

"Wala kang pakialam sakin!" sabi ko saka tumalikod na pero hinawakan nia ang braso ko.

"Cleire wait! I'm sorry kung nasaktan kita noon pero maniwala ka, mahal parin kita hanggang ngayon!" Nagsusumamo ang mga mata nia.

Nangingilid na rin ang mga luha ko sa mata. Iwinaksi ko ang kamay nia na nakahawak sa braso ko.

"Tama na Matheo! Ang kapal ng mukha mo para sabihing mahal mo pa ako matapos mo akong saktan! Hindi mo na ako maloloko ngayon!" sigaw ko sakanya, bumagsak na ang mga luha ko sa mata.

Tumalikod na ako at aalis na pero bigla nia akong niyakap sa likod.

"Patawarin mo ako Cleire, pinagsisisihan kona ang lahat" sabi nia habang yakap ako pero kumawala ako dito saka humarap sakanya at sinampal.

"Tumigil ka! Please lang Tama na, matagal na akong naka move on sayo!"

Matapos ko tong sabihin, tumakbo na ako papunta ng elevetor, pinindut kona yung pupuntahan kong floor pataas.

Pero hindi ako pupunta sa Condo, sa rooftop ako papunta ngayon.

Pagdating ko dito, napaupo ako sa sahig at sumandal sa poste.

Ibinuhos kona ang lahat ng nararamdaman ko, umiyak ako ng umiyak.

Kasinungalingan lang yung huling sinabi ko sakanya. Actually hindi pa naman ako nakamove on sakanya kahit na 2 years na ang lumipas.

Hanggang ngayon nandito parin ang sugat sa puso ko.

FLASHBACK

Christmas Day.

Nakaupo lang ako dito sa room namin, lahat ng mga students nagpaparty sa gym.

Hindi ako nakijoin doon hinihintay ko pa kasi si Matheo, sabi kasi nia hintayin ko sia dahil magsasabay lang kami papunta doon.

"Oh Cleire bat nandito ka pa?" tanung ni Tina.

"Mauna na kayo hihintayin ko pa si Matheo" sabi ko kaya ayun umalis na sila.

Lumabas ako dito sa room, pupunta ako ng locker room, nandun kasi yung regalo ko sakanya.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng locker room, may narinig akong nagsalita.

"Hanggang kailan mo ba ililihim itong Relasyon natin? Ibreak mo na kasi sia!" sabi ng girl.

"Anu ka ba, maghintay ka lang malapit na, may kailangan pa ako sakanya eh" sabi naman ng lalaki.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon