>Xyra's POV<
"Wow! Mukang masarap ang almusal ngayon Ma!" Sabi ko ng nasa kusina na ako.
"Hi nako Xyra, ang dami mo pang talak jan, kumain kana baka malate ka pa, first day mo ngayon jan sa University na yan."
Sabi ni Mama. Kaya umupo na ako, katabi ko ang makulit kong bunso na si Aldryle.
"Kumusta ang gising mo bunso?" Tanung ko.
"Ok lang po, Ate" sabi ni Aldryle, actually 6 years old palang sya pero ang formal na nya,.
Lahat din naman kame except nalang kay Carlotte, ang sumunod saakin na 14 year old naman. Mejo masungit ito.
Tatlo lang kaming magkakapatid, wala na kaming ama, naaksidente kasi sya dahil sa dinamitang naihagis ng kasama nyang mangingisda.
Kaya eto, si Mama nalang ang bumubuhay saamen, may maliit na tindahan kame sa palengke, yun lang ang pinagkukunan namin ng pang-araw araw at panggastos narin sa pag-aaral.
First day ko ngayon sa Monticlano University, transferi ako sa school nayun, hindi kasi ako doon ng Grade 7 to Grade 10.
Nakascholar ako dito. Every year kasi nagpapaexam sila at kung sinu ang makakapasok sa top 3 ay bibigyan nila ng scholar.
Kaya sumubok ako and unexpected, ako ang top 1. Kaya ayun. Hihihihi malaking tulong narin yun saamen noh.
Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na akong aalis nako.
.
Pagdating ko dito sa tapat ng gate ng University. Mejo kinakabahan pa ako, puro mayayaman kasi ang nag-aaral dito.
I hope makakakilala ako ng mga mabuting kaibigan at sana hindi ako ibully.
Pagpasok ko, marami ng mga estudyante na nagkalat. Sempre mamaya pa ang klase. It's already 7:08am, 8:00 pa ang klase.
Hinanap ko ang room ko.
Actually Kahapon ko palang kasi kinuha ang lahat ng mga schedule ko sa klase pati number ng room ko at locker.
Habang naglalakad ako may nadaanan akong isang Corner.
Mukang wala masyadong pumupunta doon kasi tahimik masyado at maraming mga kalat.
Wala ng naglakas loob na maglinis doon.
Pero parang nacurious ako sa lugar na yun kaya lumiko ako doon.
Wala naman kasing nakalagay na bawal pumunta doon.
Pagdating ko dito. Tama ako mukang wala ngang pumupunta dito, puro mga dahon lang ng punong kahoy ang makikita mo.
Luminga linga ako at saka ko napagtanto na nasa likod na pala ako ng building.
Bigla akong may nakitang paruparong dumapo sa sandalan ng isang upuan doon.
Huhuliin kona sana pero-
"Huy! Anung ginagawa mo jan?"
Lumingon ako sa nagsalita. Isang matangkad na lalake.
Gwapo sana sya kaya lang pakielamero eh.
Natakot yung paruparo kaya lumipad ulit.
"Pakialam mo ha!?" Inis kong sabi.
"Ok! Pero paalala ko lang Maraming mga bitag ng mga gangster dito" Sabi nya na nagkibit balikat at umalis narin.
Bitag? Anu naman kalaseng bitag? Tsk niloloko lang ako ng mokong na yun.
Malapit na ang time kaya naglakad na ako paalis dito pero nang nasa sementadong daan na ako pabalik doon sa building diko napansin yung dinadaanan ko na madulas pala kaya ayun nadulas ako.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)