*Unknown's POV*"Uy girl, sigurado ka bang hindi sasama sa outing?" ang kulit talaga nya, sinabi ng hindi eh.
"I'm sorry girl pero may hinahabol akong event sa Pinas"
"Anung event yun?" hindi kona sinagut ang tanung ni Deza.
Umalis na ako dito sa office. . Hindi ako maaaring mahuli doon.
.
.
.
*3rd Person' s POV*
"Wow Bessy, mas lalo kang gumanda.. Paano pa kaya kung naisukat mo yung gown mo!" Sabi ni Tina.
"True sister. . I'm sure makakalimutan ni Papa Yuhan ang pangalan nya pag nakita nya ang the only one bride nya!" Sabi naman nung bakla na nagme make up habang pinagmamasdan nila ni Tina si Xyra.
"Sobra naman kayo pero thank you. . At ikaw din naman Bessy, kahit wala kang make up.. napakaganda mo parin!" Sabi ni Xyra.
Tapos na syang make upan nung bakla, naayos narin ang buhok nya..natural lang ang pag ayos sakanya, sabi kasi nung bakla ay base sa hugis ng mukha nya ay di bagay ang over ang make up.
Ganun din si Tina at gaya ng sabi ni Xyra. .kahit walang make up ito ay umiibabaw parin ang ganda nya.. actually sakanilang apat ay si Tina talaga ang napakaganda pero depende din sa paningin ng iba.
Nandito sila ngayon sa dressing room.. apat lang silang nandito, si Xyra, Tina, yung bakla at assistant nito. . Dalawa sana dapat ang mag aayos sakanila, pero isa lang daw para sure na maganda ang resulta..
"Oh sister, come here para maayos kona yang buhok mo!" Tawag nung bakla kay Tina at lumapit naman ito.
Pareho na silang nakaharap sa malaking salamin ngayon.
"Anu kaya masasabi ni Papa Divon pag nakita ka nya Sister??"
"Titino na pag-iisip nun fttp!" Natatawang sabi ni Xyra.
"Grabe ka naman Bessy kay Dadie ha!"
"Joke lang!"
Kinuha nya yung cellphone nya at binuksan ang email nya.. biglang lumungkot ang itsura nya na napansin naman ni Tina.
"Bakit Bessy?" Tanung nito.
"Si Chloe:(" malungkot nyang sabi.
"Wag mo ng asahan yun Bessy. .. nakiusap na ako sakanya kahit ngayon lang sana sa araw ng kasal natin pero ang sagut lang nya sakin sa email ko ay busy daw sya!" Malungkot na sabi ni Tina.
*Xyra's Pov*
Napakatigas talaga ng puso ng Chloe nayun.. naiinis na ako sa ginagawa nya saamin.. maayos na kami ni Tina pero sya wala parin at sumama narin ang loob nya pati kay Tina nung makipag-ayos na ito saamin ni Clere. . Yun din ang dahilan kaya umalis sya at pumunta ng Korea.
Akala ko maging Okey na kami dahil nakumbinsi narin ni Divon si Tina na makipag ayos na samin pero napakatigas ng puso nya.. Kasal namin ni Tina ngayon pero mukang hindi na sya susulpot..
"Oy oy Anung itsura yan??"
Tumayo ako ng dumating si Clere at niyakap sya.
"Wow ang gaganda ng mga Bessy ko pero bakit ganyan ang itsura nyo? Para kayong namatayan.. diba dapat masaya kayo kasi araw ng kasal nyo ngayon?" sabi ni Clere.
"Alam mo na yun Clere Bakit kailangan mo pang itanung?" Mataray na sabi ni Tina kay Clere habang sa salamin nakatingin.
"Si Chloe ba? Hay nako.. pabayaan nyo na nga lang sya! Hindi pa sya handa sa mga nangyayari, hindi natin sya masisis kaya hayaan na muna natin sya sa gusto nya.. ang mahalaga dapat maging masaya tayo ngayon araw, it's your special day right?"
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Fiksi Remaja#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...