>Xyra's POV<Wow! Ang ganda dito sa rooftop.. kita mo Kasi ang buong university. .ang lawak, pero nakakatakot kasi Sobrang taas.
Matagal na panahon din ako nung huling makapunta dito.. naalala ko pa nung huli akong nakapunta dito ay nung kinulong ako ng unggoy na ito sa stock room.
At teka, bat nga pala Kami nandito? Siguro ikukulong na naman nya ako sa stock room kasama ng mga Ipis??
"Hoy bakit tayo nandito?" Tanung ko.
"Mag-usap tayo" sagot nya.
"Pero bakit dito pa?"
"Wala, dito ang gusto ko!"
"Anu bang pag-uusapan naten?"
"Bakit ka nakipag-away kay Devora?"
Tsk. . Si Devora na naman? Nakakasuka ang pangalan ng babaeng yun.
"Hoy, sila ang nauna noh! Narinig mo naman siguro kung paano nila ako kutyahin or baka naman nabingi kana?"
"Hindi mo naman ugaling makipag-away ha! Tayo lang naman ang nag-aaway noon kaya Bakit Hindi mo nalang sila pabayaan, kilala mo naman ang mga yun!"
"Anu? Huh! Sawang sawa na ako Yuhan, lagi nalang sila ganyan saaken at isa pa pinaka ayaw ko ay ang pagsabihan akong malandi, kaya pinagtanggol ko lang ang sarili ko, hindi ako nakipag away"
"Pwedi mo naman ipagtanggol ang sarili mo ng hindi ka nananakit!"
"Teka nga Yuhan! Bakit parang pinagtatanggol mopa ang babaeng yun?"
"Hindi ko sya pinagtatanggol Xyra!"
"Eh anu yang ginagawa mo?"
Mejo naiiyak na ako.. kasi naman sa kinikilos nya parang ako pang mali.. pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko.
"Xyra" nakikiusap nyang sabe.
"Yuhan, sinabihan nila akong Malandi tapos hahayaan ko nalang ba yun?? Bakit? Malandi rin ba ang tingin mo sakin?"
"Hindi Xyra. . Hindi lang kasi tama yung ginawa mong sinak-"
"So Ako pala ang Mali sa paningin mo!? Simula ngayon wag mo na akong kausapin pa! Bwiset ka!" sigaw ko saka iniwan ko sya.
Imbis na Ipagtanggol nalang nya ako pero ako pa pala ang mali.
Sige Yuhan, kung gusto mong balikan natin ang dati..sige hindi kita aatrasan.
>Yuhan's POV<
Hindi ko maintindihan pero parang sumasama na ang ugali ni Xyra ngayon..
Nag-aalala lang ako.. paano kung gawan sya ng masama nila Devora at wala kame sa tabi nya.
Bumaba na ako dito sa rooftop at sinundan ko sya pero hindi kona naabutan.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko parin sya nakita kaya hinanap ko sya sa mga kaibigan nya.
"Hindi ko sya nakita" sagot ni Chloe sa tanung ko.
"Ediba magkasama kayo kanina?"- Clere.
"Oo nga, pero mukang nagalit sya sakin eh!" Sabe ko.
"Hay nako, baka nanjan lang sa tabi tabi yun. . At diba sabe mo galit sya sayo? So baka ayaw lang magpakita sayo!" sabe naman ni Tina.
"Pati sainyo Ayaw din magpakita?" tanung ko kaya mukang natauhan sila.
"Teka nga muna Bessy, tapos na ang klase pero wala pa sya eh..diba dapat nandito na sya?" sabe ni Chloe.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Teen Fiction#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...