Chapter #55

875 31 1
                                        


> Xyra's POV <

"Ang sweet ni Yuhan sayo kanina bessy!" nanggigigil na sabi ni Chloe habang kayakap ako..

Nandito na kami muli sa Condo, nakakamiss din sila.

"Anung sweet ka jan, nakakainis kaya sya" pout kong sabi.

"Pakipot ka pa jan Xyra, eh kinilig ka din naman kanina eh!" Sabi ni Tina.

"Hindi ah.. nahiya talaga ako sa ginawa nya noh" sabi ko, kaya umupo sya sa tabi ko.

"Xyra, kung ako sayo magpasalamat  nalang ako kay Yuhan dahil pinagmamalaki ka nya.. tsaka wag ka nga mag immature!" Sabi nya kaya tumango lang ako.

"Alam mo Tina, para kayong pinagtagpo ni Divon" sabi ni Chloe kaya napatingin kami sakanya.

"Bakit mo naman nasabi yan?"- Tina.

"Eh kasi, lagi kang nagmamature pero yang boyfriend mo isip bata naman"- Chloe.

"Hoy Chloe, kung makahusga ka kay Divon kala mo walang negative yang boyfriend mong playboy" nakangising sabi ni Tina kay Chloe.

"Hindi ko naman hinuhusgahan si Divon ah.. tsaka oo playboy si Steven noon pero hindi na ngayon noh"- Chloe.

"Hindi na daw ngayon..masyado ka naman loyal sakanya.. eh bakit nakita ko sya nung isang araw na may kasamang babae?"- Tina.

"Tina, tama na nga" pigil ko, baka mag-away pa kasi sila.

"Totoo naman ang sinasabi ko ah.. kaya kung ako sayo bantayan mo lagi yang Steven na yan" sabi pa ni Tina kaya biglang lumabas ng kwarto si Chloe.

"Tina, anu ba yung ginawa mo?? Tignan mo, na offend mo si Chloe" sabi ko saka sinundan ko si Chloe.

Natagpuan ko sya sa Library namin, malungkot yung mukha nya kaya nilapitan ko.

"Bessy, wag mo ng pansinin si Tina, hindi naman totoo yun.. mahal ka kaya ni Steven" sabi ko. Lumingon sya sakin.

"Alam ko yun  bessy pero paano kung totoo nga yun.. paano kung nambababae parin si Steven ng Hindi ko nalalaman?"- Sya.

"Trust him... naniniwala akong nagbago na sya" I said and I'll hug her.

>Yuhan's POV<

Ayyysss Mali mali! Paano nga ba? Lumingon ako sa likod ko. Hala ang dami na palang papel na pinulupot.

Kanina pa kasi ako nagdodrawing ng Ipis pero laging nagkakali kaya another papel na naman.

Gusto ko kasing mag drawing ng Ipis tapos lalagyan ko ng picture ni Xyra.. nakakatuwa kasi pag nagagalit sya. Ang cute cute pa nya.

Bigla kong napalingon sa may pinto, may kumakatok kasi kaya binuksan ko. At si Ate lang pala.

"Noona? Anung ginagawa mo dito?" Tanung ko.

"May Good news ako sayo" nakangiti nyang sabi saka pinapasok ko sya sa kwarto ko.

"Anung good news yan noona?" tanung ko.

"Pumayag na si Papa"- sya.

"Pumayag sa ano?"- ako.

"Na isama na kita sa Korea at doon kana rin mag graduate ng highschool!" Nakangiti nyang sabi..

Pero bigla akong nalungkot.. matagal ko ng pinapangarap na makapunta sa Korea at ito na yun, matutupad ng pangarap ko but instead na maging masaya ako pero nalungkog ako bigla.

Nalungkot ako dahil maiiwan ko si Xyra.. hindi ko kayang malayo sya sakin.

"Oh bat dika masaya? Kala ko ba gusto mo doon?" pout na tanung ni Ate.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon