After namin mag group hug ay dinala nila ako sa taas.
"Halika, magbihis muna tayo" sabi ni Cloe habang hawak nya ang braso ko paakyat.
Sumunod naman si Cleire at Tina.
Pagbukas namin sa isang pinto iniluwa nito ang napakagandang mga bed.
Oo mga bed, apat kasi ang bed na nandito na parepareho ng kulay, may malaking mirror pa sa harapan at may mga painting pa sa bawat ulunan ng mga kama.
I think dito sila natutulog. Pero nagtataka rin ako kung bakit apat ang kama, eh tatlo lang naman sila eh.
Di kaya may isa pang diko pa nakikilala. Nacurious tuloy ako.
At dahil sabi nila hindi ako dapat mahiya, kaya tinanung ko nalang.
"Tatlo lang ba kayo dito?" tanung ko. "Oo" sagot ni Tina.
"Eh bakit apat yung kama nyo"
"Anu ka ba Xyra, anung kama namin, kama natin noh" sabi ni Cleire na nasa harapan ng mirror.
Nakaupo kasi kami ni Tina dito sa pangalawang kama.
Ha? Imposible naman yata na para sakin yung isa, ngayon araw pa kaya nila ako nakilala, tapos ready na ang lahat?
Biglang lumungkot yung mukha ni Tina.
"Actually, sa bestfriend namin yan na iniwan na kami" sabi ni Tina.
"Saan na sya?" Ewan nacurious talaga ako eh.
"Nasa langit na sya" sagot ni Cleire. So namatayan pala sila.
"Sorry kung natanung ko pa" mukang naoffend ko kasi sila.
"Anung ka ba, ayus lang. Matagal narin naman yun eh at isa pa everything na may gusto kang malaman wag kang mahiyang magtanong." si Tina.
"Saka nalang muna yang chikahan nyo. Xyra isuot mo ito"
Sabi ni Cloe ng makalapit sya samin.Inabot nya sakin ang isang dress na kulay blue.
"Teka lang, hindi ako nagsusuot ng Dress noh"
"Xyra, masanay kana kasi, wag ka mag-alala kami bahala sayo" sabi ni Cleire at pinapasok nya ako sa cr.
Pagkatapos namin magbihis ay bumaba na kami, sumakay kami ng elevetor at lumabas na dito sa Condominium.
Sumakay kami sa isang malaking van na kulay gray.
"Saan tayo pupunta?" Tanung ko.
"Sa Mall magsha shopping" sabi ni Cloe na sa cellphone nakatingin.
"Ha? Ah Eh sana sinabi nyo agad ng hindi na ako sumama"
"Ha, bakit naman?"-Cloe.
"Kasi..eh..ah..wala akong dalang pera ah" pero ang totoo 30 pesos lang pera ko at wala naman talaga akong pera sa bahay.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Ficção Adolescente#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...