Xyra's POV
"Bessy bilis anjan na sya!!" tarantang sabi ni Chloe.
Kaya dali dali narin kaming naghanda.
Nang gumalaw ang doorknob at bumukas ito...
"WELCOME BACK SIR!!!!!!"
Sabay sabay naming sigaw ng pumasok si Sr. Min sa office nya.
Ng marinig kasi namin na babalik na si Sr. Min before graduation namin ay gumawa kami ng little party sa loob mismo ng office nya.. mga pasaway din noh? Nakalock ito sempre at paano nabuksan? Kalokohan ni Yuhan at Steven, , ewan kung anu ginawa nila.
"Sir namiss ka talaga namin!!"- Chloe.
"Me too guys.. Salamat sainyo!"- Sr. Min.
Kita sa mukha ni sr. ang tuwa..at ito ang gusto naming makita..pero nagtaka lang ako dahil di man lang sya nagtanung kung paano kami nakapasok dito. Hmm.
Pinapanood ko lang sila habang nag-aasaran, nakakatuwa sila, lalo na si Divon at Tina, malapit na magkabukol si Divon sa kakapalo ni Tina sa ulo nya, Kasalanan naman kung bakit inaasar ang amazona kong Bessy.
Si Steven at Chloe naman ay walang ginawa kundi maghabulan sa loob ng office ni sr. Min, mga bata nga naman.
At si Clere naman, hala anyari sa isang to? Parang patay gutom., tahimik lang habang subo ng subo.
"Huy!" sabi ni Sr. Min sabay hampas sa noo nya. Hahahah.
"Anu bang problema mo?" bad trip na react ni Clere hahaha..natawa ako sa itsura nya.
"Dahan dahan ka nga lang, baka mabulunan ka"- Sr. Min.
Napatingin naman ako dito sa tabi ko.. nakikiepal din kila Tina. . Ang cute talaga nya lalo na pag tumatawa.. Ayys kahit nakakabwiset minsan to pero lagi parin ako naiinlove sakanya.
"Uy Bessy bakit dika kumakain?" tanung ni Tina sakin.
"Sige lang Bessy busog pa ak-"
"Ahahahhahaha!!"
hala mga ulol.. tinawanan nila ako.. paano ba naman sinubuon ako ni Tina ng Cake tapos kumalat ang icing(pakitama lang ang spelling) sa mukha ko, chocolate pa naman.
"Yuhan tignan mo..Ang Cute ni Xyra oh!"- Divon.
T*ngina lumingon si Yuhan, nakakahiya, ang pangit ko.
*
"Tapos kana?"
"Oo, Salamat Yuhan"
"Oh sha, tara na?"
Tumango lang ako saka umalis na kami.
Kami lang kasi ni Yuhan ang natira dito dahil matapos ang Party ay biglang nagsilaho ang mga ulol nayun.. kami tuloy ang nakapagligpit ng mga kalat, pero wala din naman ako masyadong napagudan dahil si Yuhan din lahat ang gumawa. .
Ang sweet ng Mahal ko diba?
"Ayus ka lang ba?" biglang tanung ni Yuhan, naglalakad na kasi kami papuntang bahay namin, hinatid nya ako kasi gumagabi narin.
"Oo naman, eh Ikaw Okey ka lang ba? kanina ka pa kasi tahimik" sabi ko.
"Bakit kinakausap mo ba ako kanina? Magmukha naman akong tanga dito kung magsasalita ako ng walang kausap!"
"Ahahahhahaha!" natawa nalang ako sa itsura nya.. para kasing nakaamoy ng masama.
"Oh Anung nakakatawa? Sapakin kaya kita!"
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)