"Uy bess pakilala mo naman ako jan kay Stiven!" Pangungulit ni Cloe.
Aba, kanina pa sya ah, porket kasama ko lagi yung mga unggoy nayun kinukulit na ako lagi.
"Ayoko nga, kung gusto mo pakilala mo sarili mo" sabi ko.
Hindi ko naman close ang Stiven nayun eh.
"Bess naman eh!" nagpout sya. Hehe ang cute nya, parang bata.
Sya ang bunso samin. Si Cleire ang Matanda saamen, sumunod si Tina then ako.
"Bess nakakatampo na talaga!" sabi ni Cleire na nasa harap ko.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, tuwing lunch lang kami magkakasama eh.
Nasa square table kami, sa kaliwa ko si Tina, sa kanan si Cloe at sa harap ko si Cleire.
"Bakit naman Bess?" tanung ko kay Cleire.
"Eh kasi hindi na tayo masyado nakakapagbanding, lagi kana lang kasing wala" malungkot na sabi ni Cleire.
Oo nga naman, lagi kasing nakukuha ng Yuhan nayun ang oras ko."Cleire, hindi naman kasalan ni Xyra yun noh" sabi ni Tina.
"Pasensya na kayo mga Bess ha, di bale bukas magbabanding tayo!" nakangiti kong sabi.
"Talaga?!"-si Cleire.
Tumango ako, kaya ayun ang saya nila. Hmmm namiss ko ang mga bessy ko.
Pagkatapos namin maglunch ay naghiwahiwalay na kami.
Si Cleire, may practice sa Valleyball, si Tina may practice din sa Dance at si Cloe magreresearch sya para sa report nya.
At ako nandito lang sa leisure room nagpapahinga, sana wag muna akong kulitin ni Yuhan ngayon.
Pero maya maya lang biglang nagvibrate ang Phone ko.
Tinignana ko kung sinu yung nagtext.
1 message received
From: Mokong
[Xyra, puntahan mo ako dito sa Lab, di ako makalabas]Buti nga sakanya, bahala sya lumabas sya kung kaya nya.
Hindi ko sya nireplyan, pinatong ko ang ulo ko sa table. Gusto kong matulog, mamaya pa kasi ang klase ko.
Pero nagvibrate ulit ang Phone ko. From Mokong ulit, binasa ko ito.
[Pag dika pumunta dito in 2 minutes, tatawagan ko yung Principal]
Ahhhhhhhhhhhh👹👹👹 kainis talaga sya. Tumayo nalang ako at lumabas na dito sa leisure room.
Papunta na ako ngayon sa Laboratory. Ang tanga nya kasi, papasok ba naman doon na hindi alam na sira yung pinto.
Nandito na ako sa tapat ng pinto ng Lab, binuksan ko na ito para makalabas na yung Tanga sa loob, pero pagbukas ko, walang tao sa loob.
Niloloko ba ako ng baliw na yun?
Pumasok pa ako sa loob para hanapin sya, pero nalibot kona ang buong Lab, wala namang tao.
Bwisit talaga ng lalaking yun! Lalabas na sana ako pero bagla akong napasigaw at pumatong ako sa lamesa.
Ang dami kasing Ipis sa bandang pinto, hindi sya pangkaraniwan lang, parang pinakawalan na ipis.
Napaiyak na ako dito sa sobrang takot, pinakaayaw ko ang ipis, bukod sa angbaho eh nakakatakot talaga.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Teen Fiction#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...