Chapter #83- Break Up

907 29 5
                                    

>Xyra's POV<

Kasalukuyan ko parin niyayakap si Yuhan. .ang totoo ginawa ko ito kasi baka ito nalang ang huling pagkakataong Yayakapin ko sya ng may feelings pa Ako sakanya.

Kasi buo na ang disisyon ko na magpapakatotoo na ako kay Zhoff. . Gusto ko ng ibigay ang buong pagmamahal ko sakanya.

Kumawala na ako sa yakap saka nagsalita.

"Maraming salamat sa lahat Yuhan! Sa pagmamahal mo at sa lahat ng tulong na binigay mo!" Sabe ko..

"Bakit Xyra? Para ka naman namamaalam ah? Mamamatay kana ba? Sagot kona ang libing m--- ARAY!!"

Hindi kona sya pinatapos magsalita kay sinapak kona ang dibdib nya.. nakakainis, Seryoso ako pero magbibiro sya ng hindi nakakatuwa.

"Gago ka!" Nakasimangot kong sabe pero tinawanan lang nya ako.

----

After 3 days... nakababa nadin si Zhoff sa hospital pero hindi pa sya pumapasok sa school.. ewan ko kung bakit, wala naman kasi syang sinasabe sakin at isa pa parang may kakaiba na sakanya.. pansin ko lang.. parang naiilang sya sakin!!

"Zhoff, hindi ka ba papasok bukas?" tanung ko.

Nandito kami sa cinehan..niyaya nya ako manuod. Ito pa yung mga naiiba sakanya. . Lagi nya akong niyayaya sa mga lugar na nakakaaliw at gusto nya lagi kaming mag date tuwing uwian sa hapon...well dahil Mahal ko sya kaya pinagbibigyan ko naman, kinikilig pa nga ako eh!

"Hindi muna!" Sagot nya habang sa malaking screen nakatingin.

"Anu bang nangyayari sayo? Ilang linggo kana kayang hindi pumapasok! Paano kung hindi ka pumasa..edi hindi ka makagraduate!" Sabi ko.

"Manuod kana nga!" pagbalewala nya sa sinasabe ko.

Ang weird din ng lalaking to.. bahala nga sya! Concerned lang naman ako:(

----

Nang matapos kaming manuod ay nandito naman kami sa coffee shop para mag miryenda.

"Xyra!" tawag nya.

"Hmmm?"- Ako.

"Sana mapatawad mo ako!" sabe nya na ikinabigla ko.

"Bakit naman? May nagawa ka bang Kasalanan?" Curious kong tanung.

"Wala pa naman siguro pero makakagawa palang" sagot nya.. pero naguguluhan ako.. magtatanung na sana ulit ako pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Xyra,  Mahal kita pero tingin ko hindi na tayo magtatagal pa, kasi hindi rin kita maaalagaan!" Sabe nya.

Anung ibig nyang sabihin na hindi nya ako maaalagaan? Naguguluhan ako kanina pero mas lalo akong naguguluhan ngayon!

"Zhoff, Hindi kita maintindihan"

"I'm sorry Xyra, pero gusto ko lang kasing maging masaya ka at tingin ko Hindi ako yung lalaking makakagawa sayo nun!"

"Ha? Bakit mo naman nasabe yan? Masaya naman akong kasama ka ha! Masaya naman tayong dalawa ah! Kaya ano pang sinasabe mo jan!"

"Tama ka, masaya naman tayo sa ngayon at sa mga nakaraang araw ngunit hindi ko alam kung magiging masaya pa ba tayo in the future!" parang bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa mga sinabe nya..

Hindi ko lang matukoy pero parang gusto na nyang-

"Zhoff, nakikipagbreak kana ba saak--"

"Oo!" mabilis nyang sagot habang sa lamesa nakatingin.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon