Chapter #39- Defense

949 33 2
                                        


>Xyra's POV<

Nandito lang ako sa labas ng room nya..pinapanood ko sya sa salamin na pinto nito habang tinitreat sya ng mga Doctor sa loob.

Panay parin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.😭😭😭

Hindi ako matatahimik pag may nangyaring masama sakanya.

Hindi sya dapat nakahiga jan eh.. Ako ang dapat na nanjan😭.

Umupo muna ako sa sofa saka nagdasal nalang na sana maligtas si Yuhan.

Paano nga pala kami napadpad dito sa Hospital??

Flashback~~

Pinapawisan na ako ng malagkit.. Limang minuto na kasi ang lumipas pero nandito parin kami sa gubat at walang sumasaklolo samin.

Nanigas na ang mga dugong tumulo sa mukha ni Yuhan..

Pinakinggan ko ang puso nya,,humihinga pa naman sya..

Patawarin mo ako Yuhan kung iiwan kita dito dahil hindi kita maaareng bantayan lang dito ng walang ginagawa

Tumayo ako at naghanap ng kahoy saka pinagpuputol ko ng tag 10 inches,, at bawat isa ay tinalian ko ng red na tela, ito yung mga telang hinanap namin dito sa bundok,,pinunit kona lahat yun.. puro red kasi yung mga nahanap ko.

Tinusok kona ang isang pirasong kahoy na may pulang tela sa tabi ni Yuhan saka nagsimula na akong maglakad,,

'Niligtas ako ni Yuhan kaya ililigtas ko rin sya' bulong ko sa sarili.

Bawat sampung metro ay tinutusok ko naman ang isang pirasong kahoy sa lupang dinadaanan ko.

Ginagawa ko ito para hindi ako maligaw at madali kong mahanap si Yuhan pagbalik ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad,,ganito lagi ang ginagawa ko.

Hanggang sa nakarating na ako sa isang bayan,, hindi ko kabisado ang lugar na to pero nabuhayan ako dahil may makakatulong na saaken.

May nakita akong police station kaya patakbo akong pumunta dito at humingi ng tulong.

Kaya tinulungon nila ako,, tinuro ko sakanila ang daan pabalik kay Yuhan,.

Binuhat nila si Yuhan at dinala sa bayan.

Isinakay nila sa Ambulance, sumakay narin ako dito.

Dinala nila kami sa isang Hospital,,, hindi ko alam kung saang hospital to pero mukang private hospital to.

Pagdating namin dito ay, mabilis na sinalubong ng mga nurse si Yuhan at sinakay sa lalagyan ng pasyente.

A/N: hindi ko alam ang name ng bagay na yun, pero yung pinapahigaan ng pasyente tapos tinutulak, alam nyo na yun✌.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon