"Subukan mong ituloy yang kadiri mong kamay"
Liningon ko yung lalaking sumalo sa kamay nitong Adik at nagulat ako nung makita ko kung sinu yun.
"Yuhan?!" Nagtataka kong sabi.
Tinignan lang nia ako sandali saka bumaling na doon sa Adik."Bakit sinu ka bang pakialamero ka?!"- adik.
Binitawan na ni Yuhan yung kamay nung Adik. Pero nagulat ako sa sinabi ni Yuhan.
"Boyfriend nia, kaya subukan mo siang hawakan muli kundi aalisan kita ng ilong!" sabi nia habang nakaakbay saakin, nakanganga lang ako habang tinitignan sia.
"Oh ano? Hindi ka ba aalis?" pananakot nia doon sa Adik kaya umalis na ito, mukang natakot na maalisan ng ilong.
Ng makalayo yung Adik saka umiwas na sia sa pagkakaakbay saakin.
"Hoy ikaw ipis ka, bat naglalakad ka mag-isa, pano kung wala ako edi nasapak kana nun!"
Kala mo naman kung sinung Hiro. Pero tama sia kaya diko nalang sia pinatulan.
Naglakad na ako palayo sakanya pero hinigit nia ako kaya nakalapit ako sakanya.
"Hindi ka man lang magthank you?" tanung nia. Oo nga pala.
"Ok thank you!" sabi ko saka aalis na pero hinigit nia ako ulit.
"Anu ba! Maputol mo na ang braso ko!" sabi ko.
Grabe kasi sia manghila."Anu, maglalakad kana naman mag-isa para another na naman? Pag nagkataon hindi na kita tutulungan!" iritable niang sabi.
At hinila na nia ako papunta sa ewan.
"Saan tayo pupunta?" tanung ko.
"Saan pa edi hahanapin sila" sagot nia.
"Tawagan mo nalang kaya"- ako.
"Eh bat dipa ikaw ang gumawa nun?"- sya. Napa TSK nalang ako, sungit.
Kanina ko pa tinatawagan si Tina pero walang sumasagot, ganun din kay Cleire at Cloe.
"Anu ba yan! Wala man lang sumasagot?" react ko, kainis.
"Si Divon ang tawagan mo" sabi nia.
"Eh bat dina lang ikaw ang tumawag nun, inuutos mu pa!"- ako.
"Lowbat Phone ko"- sya.
"Yan kasi ang tamad mo! Pati pagcharge dimo kaya!" nakangisi kong sabi.
Pero bigla niang hinablot yung Phone ko at may tinawagan sia.
"Wala din?!" sigaw nia nung walang sumagot sa tawag nia.
"Hanapin na kasi naten, akin na yan!" Kinuha kona yung Phone at naglakad na kami.
Habang naglalakad kami bigla kong napansin na magkaholding hands pala kami, kaya bigla kong nailayo ang kamay ko. Napansin naman nia.
"Oh bakit?" tanung nia.
"Wala tayo na" sabi ko.
Kanina pa kami libot ng libot pero hindi pa namin nahanap yung Lima, saan ba nagpunta ang mga yun?.
Napahinto kami sa Mataas na Ferries Wheel.. Wow ang ganda talaga, hindi pa ako nakasakay nito kasi nga yung 170 pesos na tucket nito eh Gold na para samin yun.
>Yuhan's POV<
Nakita ko si Ipis na nakatayo malapit sa entrance ng ferries wheel habang nakatingala.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla ko nalang namalayan na bumili na ako ng dalawang ticket.
Gaya nung kanina, wala naman akong balak na sundan sia pero namalayan ko nalang ang sarili ko na pinagtatanggol kona sia dun sa Adik.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Novela Juvenil#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...