Chapter #65- Falling Inlove

864 51 8
                                        

>Joshua's POV<

Nagising ako sa napakatapang na amoy, parang nasusunog. Bumangon ako saka lumabas sa kwarto ko.

Pagkalabas ko, natanaw ko ang kusina na umuusok.. Patakbo akong bumaba, andun yung nasusunog. Pero wala akong maalalang may sinain ako doon.

*Ting*

Bigla kong naalalang nandito pala si Clere at baka sya yung nasa kusina at pagdating ko dito, hindi nga ako nagkakamali.. Sya nga yung nagluluto, ay teka hindi pala sya nagluluto kundi sinusunog nya ang bahay ko.

Lumapit ako at pinatay ko ang gasol.

"*Cough cough*" umuubo na sya sa usok.

Grabe ang babaeng to, muntik na nyang sunugin ang bahay ko. Sinira pa yung kawali ko,..puting puti ito pero ngayon hindi na makilala sa sobrang itim.

"Balak mo ba talagang sunugin ang bahay ko?!" galit kong tanung sakanya.

"Pasensya kana, hindi kasi ako marunong maglu-"

"Hindi ka pala marunong pero bakit nagluto ka?!" Sigaw ko, nakakainis kasi eh.

"I'm sorry, gusto ko lang kasi paggising mo may makain ka" sabi nya habang nakayuko.

"Wala ka namang nagawang maganda eh sahalip sinira mo pa gamit ko! Pati konting oras ko sa pagpapahinga ko sinira mona din! Umalis kana nga dito!!" naiinis na talaga ako.

Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba ng makita kong pinahid nya ang luha sa mata nya saka lumabas na dito sa kusina.

'Masyado bang masakit yung mga sinabi ko?'

Lumabas na din ako dito at sinundan ko sya.. naabutan kong lalabas na sya sa bahay..

"Sandali lang Clere!" tawag ko kaya huminto sya.

"Pasensya kana sa mga nas-" hindi kona natapos dahil nagsalita na sya agad.

"Ok lang Sr. Kasalanan ko rin naman po, Sorry po kung naabala kita!" Pormal nyang sabi saka tuluyan ng umalis.

Umupo ako sa bench saka sumandal.. hah! Bat ba ako nagkakaganito?? Mabait ako sa mga students ko pero pagdating kay Clere, nagiging masungit ako.

Marahil pinipigilan ko lang siguro ang nararamdaman ko kaya Ako nagkakaganito.

Pinangako ko kasi sa Sarili ko na hindi ako iibig sa mga students ko, pero sinira ni Clere ang pangako kung yun dahil lagi nyang ginugulo ang utak ko. Ok, I'll admit it, I like her a lot.

Actually na Love at first sight ako sakanya pero hindi ko pinansin yun dahil sa gusto kong magpokus sa trabaho.. At gusto kong maging permanent teacher sa Monticlano University.

Last year palang ako naging permanent teacher dahil kay Yuhan. Nakukuha nya kasi  ang lahat ng gusto nya sa school nato at isang salita lang nya, nakukuha na nya.

Hindi ko pa pala nasasabi sainyo, pamankin ko si Yuhan, Ate ko ang Mama nya pero masyado ng matanda si Mama nung pinanganak ako kaya eto konti lang ang tanda ko kay Yuhan,at mas matanda pa si Yanna kaysa sakin eh.

Mahirap lang kami dati kaya nag-aral ako mabuti dahil wala akong maaasahan kundi ang sarili ko lang,.. nung namatay si Ate Sherry (Mama ni Yuhan) nais ng Monticlano Family na kupkupin ako pero tinanggihan ko. Nagsarili ako dahil ayokong balang araw sabihin nilang,'kung hindi dahil sakanila hindi ako makakaahon'. Nag part time Job ako para makapag-aral.

Pero malaki parin ang utang na loob ko kay Kuya Domingo (Papa ni Yuhan) dahil kahit tinanggihan ko ang alok nya sakin noon pero hindi parin nya ako tinalikuran. At si Yuhan ang dahilan kaya umaasenso na ako ngayon.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon