.
Nakarinig ako ng romantic music habang yakap ako ni Yuhan kaya bigla akong kumawala.
Nakita ko sa paligid namin ang mga nakapilang Byolinista.
Wow,may ganito pa pala?
Hinawakan nya ang isa kong kamay at yung isa ay sa bewang ko saka isinayaw nya ako.
Habang sinasayaw nya ako ay bahagya akong napaluha.. Kasi naman sa buong buhay ko, hindi ko talaga inaasahan na makatagpo ako ng isang katulad ni Yuhan na Mabait, Mapagmahal, Gwapo, Maalaga, Sweet at higit sa lahat puprotektahan ka hanggang sa huli.
Parang nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ko noon sa isang lalaki.
Ang bait talaga ng Dyos saakin,, dati akala ko hanggang pangarap lang ako pero ngayon natupad na.
Mahal na Mahal kona talaga si Yuhan.
"Oh bat umiiyak ka?" tanung nya.
"Wala, masaya lang kasi ako" sabi ko saka pinunasan ko mga luha ko.
---
Marami pa kaming ginawa dito sa lugar na to,, pinasyal pa nya ako sa mga garden at nagpicture taking pa kami sa bawat view dito, nag bike pa kami at naghabulan pa kaya umabot kami ng 2:17pm.
.......
Nasa byahe na kami ngayon papuntang Mall diretso shopping na kami.
Malapit narin kasi ang pasukan kaya bibili kami ng school supplies.
Pagdating namin dito sa Mall ay sa mga Games kami unang nagpunta, ito kasing kasama ko ang kulit kaya pinagbigyan kona.
Nandito kami ngayon sa basketball,. Nagpustahan kami kaya lang ang daya ng ginawa nyang pustahan.
Kasi pagnakashot daw sya at ako hindi, ikikiss nya ako ng limang beses saan man nya gusto sa mukha ko, pero pagnakashot ako at sya hindi Ok papayag syang pipitikin ko sya sa tenga.
"Wala ng magreklamo! Kundi Uunahan ko ng pipitikin yang kilay mo!" pinandilatan pa nya ako kaya no comment nalang.
Kailangan Kong galingan, ang dami kayang tao dito, nakakahiya kung makikiss ako dito ng ilang beses.... Start the game...
Nang matapos ang game namin,, palagay ko nangamantis na ang buong mukha ko sa pamumula.
Kasi naman napuruan ako, ni hindi man lang ako nagwagi kahit isa at sya naman ni hindi man lang sya na out, basketball player kasi eh😳😳.. Kaya ayun sunod sunod nya ako hinalikan, buti nalang tatlong ulit lang nya ako nakiss sa lips, ang dami pang mga taong nagtilian na parang kilig na kilig saamen.
"Huy Ipis, mag move on kana! Bat nag ba blush ka parin jan?" tanung nya.
"Kasalanan mo kasi eh, ang daya ng ginawa mong pustahan!" nakasimangot kong sabi pero tinawanan lang nya ako.
"Wehh, pero kinilig ka din naman eh!" nakangiti nyang sabi.
"Humm!!" inirapan ko sya saka nauna akong naglakad pero hinabol nya ako at inakbayan, hayysst unggoy nga talaga.
Dinala naman nya ako ngayon sa mga stuff toy... Teka, parang may naalala ako dito.. Oo nga yung teddy bear sa bahay 5 months ago na pero hindi ko pa naitanung sakanya kung sakanya ba galing yun.
"Yuhan!" tawag ko.
"Hmm?"- Sya.
"Sayo ba galing ang teddy bear na iniwan sa labas ng bahay namin 5 months ago?" tanung ko kaya nag-isip sya sandali saka umiling..
"Pero may nakasulat na Yuhan doon eh"- Ako
"Wala akong matandaan na iniwan ko doon.... Ayy teka, Yellow ba ang kulay?" taas kilay nyang tanung, tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Novela Juvenil#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)