Chapter #59- Farewell

817 31 2
                                        

>Clere's POV<

"Nagka Boyfriend kana ba?" tanung nya na ikinagulat ko.

Napanganga ako sandali saka bigla akong nataranta.. hindi ko naman kasi inaasahang tanungin nya ako ng ganyan.

"Amm, isang beses.. pero-" nahito ang pagsasalita ko dahil napayuko ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero basta pagnapag-usapan ang tunggkul sa nakaraan ko parang bigla akong naduduwag.

"Pero sinaktan lang ako... ginamit lang" pagkasabi ko may biglang tumulo na luha sa mata ko.

Ewan ko pero parang nawalan na ako ng hiya sa teacher nato kasi kahit hindi nya tinanong ikinwento ko sakanya ang lahat, kung paano ako niloko ni Matheo noon.. umiiyak narin ako habang nagkukwento at nakayuko lang.

Pero bigla kong naramdaman na hinila nya ang ulo ko papunta sa dibdib nya.

Teka Niyayakap ba nya ako? Tama niyakap nga nya ako kasi naramdaman ko yung Abs nya.. pero wala muna akong panahon maglandi ngayon dahil naghihinagpis ang puso ko.

"I'm Sorry Clere kung naungkat ko pa ang bagay na yan" mahina nyang sabi.

"Ayus lang" nasabi ko.

"Pero, mahal mo parin ba sya?" tanung nya kaya umalis ako sa pagkakayakap nya saka pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hindi kona sya Mahal, at wala ng dahilan para mahalin ko pa sya muli matapos nyang sugatan ang puso ko!" matigas kong sabi.

Pero nagulat ako nung hawakan nya ang mukha ko at pinahid ang luha na kakahulog lang.

"Mag move on kana..Ganyan talaga ang buhay, habang nandito tayo sa mundo hindi mananatili ang kasiyahan, minsan may kalungkutan din!" nakangiti nyang sabi. Parang biglang gumaan ang loob ko sa ngiti nya.

"Alam mo, maswerte ka pa eh dahil laging may nakakaisip at nag-aalala sayo" sabi pa nya.

"Paano mo naman nasabi yan?" I ask.

"Dahil isa na ako sa mga nag-aalala at nakakaisip sayo lagi" sagot nya.

"Ha?!"- Ako.

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Matulog kana, malalim na ang gabi" sabi nya kaya bumalik na kami sa Hotel.

KINABUKASAN

>Yuhan's POV<

Myerkules ngayon at ito ang pangalawang araw namin dito sa outing. . Sa Byernes na ang alis namin ni Ate kaya ngayon palang magpapaalam na ako sakanila pero ininjoy ko muna ang sandaling ito na kasama sila.

Tinodo kona ang paglalambing ko kay Ipis. . Siguradong mamimiss ko talaga sya.

"Teka nga muna unggoy ka, ang weird mo kasi eh, bat napaka lambing mo mula pa kahapon ah?" tanung nya pero nginitian ko lang sya at malambing na niyakap.

"I Love You Ipis"- I said.

"I Love You Too Unggoy"- Her said.

Pagsapit ng hapon, dinala ko sya sa gilid ng dagat.. sakanya ako unang magpapaalam.

"Bakit tayo nandito, maliligo ka ba?" Tanung nya pero hindi ko sya sinagot sahalip hinawakan ko ang mga kamay nya habang nakaharap sakin.

"Patawarin mo ako Ipis" I said with sad face.

"Bakit ka nagsosorry? May nagawa ka bang masama?" taka nyang tanung.

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa, pero ang totoo sa Korea na ako mag-aaral!" diretso kong sabi.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon