>Xyra's POV<
"Hindi mo kailangan gawin mag-isa to" sabi nia sabay kuha ng walis at dust fan na hawak ko.
Anu bang trip ng baliw na to? Gusto ba niang madoble ang punish ko?
"Hoy ibigay mo nga sakin yan!" sigaw ko sabay agaw ng walis pero nilayo nia ito. Ang tigas talaga ng ulo nia.
"Ano ba Yuhan! Mas lalo mo lang naman pinapalala ang sitwasyon eh, paano kung malaman ng principal na hindi ko ginawa ang punishment ko at lalong madoble ang parusa ko pag nalaman niang ikaw pa ang gumawa nito!"
Tumigil sia sa pagwawalis at tumingin saaken.
"Hoy Ipis! At sinung nagsabi sayong ako lang ang gagawa nitong parusa mo? Hoy kumuha ka ng walis mo, gagawin natin dalawa ito!" yung tono nia, parang inis na inis... Edi wow, kumuha nalang ako ng walis at nagwalis na kasama sia.
Sa bagay ang lawak kaya nitong lumang building, mga ilang araw ko pa to matapos walisan pag wala akong kasama atsaka kasalanan naman nia ito eh kaya dapat lang na tulungan nia ako.
"Huh!!!"
Napalingon ako kay Yuhan na lumuhod na sa sahig, mukang pagod na pagod na.
Parang naawa ako sakanya, sa buhay niang mala prinsipe, ang hirap nito para sakanya,,pero ganun pa man tinulungan parin nia ako.
Naalala kong may dala pala akong tubig, kinuha ko yun at binigay ko sakanya.
"Salamat!" sabi nia saka ininom yung tubig.
Umupo narin ako sa tabi nia, malinis na to eh nawalisan na kasi.
"Magpahinga kana, ako nalang ang tatapos nito" mahinahon kong sabi.
"Hindi, tatapusin natin to!" sabi nia saka tumayo na at pinagpatuloy ang pagwawalis.
Alas tres na ng hapon, konti nalang matatapos na namin, nadito na kasi kami sa likod ng building.
About sa lunch nami? Chocolate lang kinain namin,, ito kasing si Yuhan anglaki ng bag kala mo notebook ang laman pero puro chocolate pala.
Parang pareho kami ng taste nito eh, mahilig din kasi ako ng chocolate.
"Huy Ipis! Tignan mo to oh!" Tawag nia sakin at lumapit naman ako.
Paglapit ko inabot nia sakin ang isang patay na Ipis sabay sabing KAPATID MO OH.
"Aaahhhh!! Anu ba Yuhan!" sigaw ko, tinawanan lang nia ako.
3:30pm na, sa wakas natapos narin ang trabaho namin.
"Haaayyymm!" sabay naming buntung hininga at paraho kaming napahiga sa ilalim ng punong patay na.
"Job well done!" Sigaw nia tapos tumawa nalang kami.
"Yuhan?" tawag ko.
"Hmmm!" sagot nia.
"Buti hindi nasisira mga ngipin mo sa kakakain ng chocolate" sabi ko.
"Favorite kasi ni Mommy yun eh"
"Ahh" nasabi ko.
"Eh ikaw? Bakit takot na takot ka sa Ipis?" tanung nia.
"Nagsimula lang yun nung nasa Grade 2 pa ako, may batang lalaki kasi noon na nirigalohan nia ako nung Christmas day, sabi nia chocolate daw pero nung buksan ko Ipis pala ang laman, kaya ayun nung masilabasa yung mga ipis hindi ko malaman ang gagawin ko natakot talaga ako kasi angdami,, gaya nung ginawa mo sakin sa Lab at sa Stockroom"
Mahaba kong kwento..napa HA? nalang sia.
Napatingin ako dito sa puno na patay na, bigla kasing nagcrock yung isa sa mga sanga nia at ayun mahuhulog, mahuhulugan kami...
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Ficção Adolescente#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)