.
>Tina's POV<Kalalabas ko lang galing sa Condo namin..may kinuha lang kasi ako sa loob.
Actually ngayong bakasyon umuwi na kami ng mga bessy ko sa kanya kanya naming bahay, namiss kona rin kasi sa bahay namin tsaka umuwi din si Mama pero si Papa nasa Canada parin😢, I miss him.
Habang nasa byahe ako pauwi saamen, napadaan ako malapit sa Condo ni Yuhan pero bigla akong napahinto at binuksan ko ang bintana ng kotse ko.
Nakita ko kasi si Divon na pumasok sa sasakyan nya na may kasamang babae.
Parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang akala ko gusto rin ako ni Divon pero natotorpe lang kaming dalawa, LQ kumbaga.
Pero hindi pala, dahil mukang ako lang pala ang nagkakagusto sakanya,, may girlfriend na pala sya.
Hindi kona namalayang may mga luha na palang tumulo mula sa mata ko. Oo, inaamin ko ng nasasaktan ako sa nakikita ko.
Mahal kona kasi si Divon eh, hinihintay kona lang na magtapat sya sakin kasi ang akala ko gusto rin nya ako, pero hindi pala.
Sinara kona ang bintana saka nagpatuloy na ako sa pagbyahe pero hindi ako sa bahay papunta ngayon,, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya sa Bar ako patungo ngayon.
Sabi nila, nakakalimot sa sama ng loob ang alak kaya gusto kong makalimutan ang sama ng loob ko.
Pagdating ko dito ay lumabas na ako ng kotse saka diretso na akong pumasok dito.. Maraming mga tao, nagsasayaw, umiinom at nagdadate.. Wala kong paki sakanila, umupo ako dito sa ewan kung anung tawag dito pero basta kaharap mo lang ang nag seserve ng mga alak.
"Yung pinakamatapang nga" sabi ko sa nagseserve kaya binigyan nya ako ng isang bote at isang maliit na baso.
Sinalinan kona ng alak yung baso at iinumin kona pero bigla may umupo sa tabi ko.
"First time yata kitang nakitang pumasok dito sa bar!" sabi nito.
Napalingon ako sakanya, tsk! Kahit saan nalang ako magpunta laging nakakabuntot sakin ang William na to,, isa pa tong nakakainis sa buhay ko, masama na nga ang pakiramdam ko ngayon tapos dadagdag na naman sya?
Hindi ko nalang sya pinansin saka tinuloy konang inumin yung alak... Damn it, ang tapang nga talaga nitong inorder ko.
Napangiwi ako sa tapang, pero wala kong paki, mas OK pa ito para makalimutan kona agad ang sama ng loob ko.
Sinalinan ko muli ang baso at uminom ako muli, pangalawang beses na to..kaya nanlalabo na ang tingin ko, parang nagdodoble na ang mga bagay na nakikita ko,, lumingon ako kay William, nandito parin sya pero gaya ng sinabi ko dalawa yung mukha nya at ang labo na ng paningin ko.. Grabe talaga katapang to.
.
>3rd Person's POV<Patuloy lang pinapanood ni William si Tina na naglalasing,, dalawang baso palang ang nainom nito pero nanghihina na ang dalaga dahil sa sobrang tapang ng ininom nya.
Pero ng iinom na sya ng ikatlong baso ay biglang inagaw ni William yung baso na may alak.
"Tama na yan Tina, lasing kana!" Pigil nito sa dalaga.
"Wag mo nga akong pakealamen! Hindi pa ako lasheng noh!" sabi nya habang pasuray suray ang ulo saka inagaw yung baso na may alak at mabilis na ininom ito.
Kaya bigla syang natumba sa unuupuan nya pero buti nalang nasalo sya ni William.
"Halika na nga dito, iuuwi na kita, lasing kana eh!" sabi nito at binayaran yung alak saka inalalayan nya si Tina para makalakad palabas dito sa bar pero ng malapit na sila sa pinto ay-
"Shino ka vang lalake ka ha? Bat moko henahawaken? Lumayo ka saken!!" sigaw ni Tina saka tinulak palayo si William and accidentally na tumama ang ulo nito sa sementong istatuwa kaya nawalan ng malay.
"Yan ang bagay sayo!" nakangising sabi ni Tina at nagpatuloy na syang lumabas sa bar ng pasuray suray.
>Divon's POV<
Matapos Kong maihatid si Eunji sa bahay nila ay agad din akong umalis.. Pinsan ko nga pala si Eunji pero parang kapatid kona din,, nakiusap ang Mama nya sakin na sunduin ko sya sa Airport galing Hongkong kaya pumayag ako, wala naman kasi akong ginagawa.
--+-
Naisip kong pumunta sa bar ngayon, ewan ko pero basta parang gusto kong pumunta doon.Wala naman akong problemang gustong makalimutan pero ewan ko basta gusto ko eh.. Well ok narin ito, sulitin nalang ang bakasyon na to habang wala ka pang iniisip sa school.
Pagdating ko dito ay biglang kumunot ang noo ko, may nakikita kasi akong babae sa side mirror ng kotse ko na pasuray suray kaya lumabas ako ng kotse..
Sinalubong ko yung chicks na mukang lasing na lasing pero nagulat ako nung makilala ko kung sinu to..
Teka si Tina ito ah,, bat kaya sya naglasing? Bigla syang natapilok dahil sa taas ng heels nya kaya ayun matutumba sya pero bigla ko syang sinalo.
"Oooww!! Tina!!" nasabi ko, ang lakas kasi ng babaeng to, muntik na kaming matungbang dalawa.
"At sinu kana naman ha?" tanung nya saka tinignan ako..
Lasing na nga talaga sya, namumula na kasi ang mga mata at amoy alak."Teka! Ikaw si Divon noh?"
Buti naman nakilala nya rin ako.
"Oo ako nga ito, bakit ka ba naglasing ha?" tanung ko pero bigla syang umiyak..
Hala, may sinabi ba akong masama?
"😭😭, dahil sayo😭😭😭.. Walang hiya ka! Akala ko gusto mo rin ako pero may girlfriend kana pala!😭😭" sabi nya habang umiiyak.
Nagtaka ako sa mga sinasabi nya,, actually alam ko rin na may gusto rin sakin si Tina, kaya lang natotorpe lang akong magtapat sakanya.. pero naguguluhan ako ngayon.. Naglasing sya dahil sa may girlfriend pala ako?Pero wala naman akong girlfriend ah,.. Lasing lang siguro sya.
Umiiyak parin sya habang kayakap ko.
"Mahal kita Divon, alam mo ba yun?" Her said.
"Oo, alam ko yun at Mahal din kita Tina" I said.
Ang tanga ko talaga,, bat ko ba sya kinakausap at sinasabi ito? Eh hindi naman nya ito maaalala eh.
Bigla ko syang binuhat at dinala ko sa isang kwarto dito sa bar.
Dahan dahan ko syang pinapahiga sa kama pero dahil sa sobrang bigat nya at ang likot pa kaya nasama ako sa paghiga nya.
Kaya eto, nadadaganan ko sya at kasalukuyan ko syang nahahalikan. Damn it! 2 years ago na pero ngayon lang ako ulit nakatikim ng lips ng babae.
Bigla akong lumayo at tumayo,, baka kung anu pang magawa ko sakanya, ang Hot kasi ng babaeng to.
Pinagmasdan ko lang sya sandali,,natutulog na kasi sya ngayon.
Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito si Tina,, ewan ko kasi kung ngayon pa ako naging torpe, na kung kalian nahanap kona ang babaeng mamahalin ko na alam kong mamahalin din ako. Pero sa palagay ko aamin na ako, ayoko na kasing maulit pa na maglasing sya dahil sakin.
Kumilos na ako, kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ko si Clere para maalagaan sya.
Hindi naman kasi pweding ako ang magpalit sakanya ng damit,, may respeto ako kay Tina kaya hindi ko gagawin yun, baka kung anu pang makita ko.
Umalis lang ako dito sa kwarto nung dumating na si Clere.
"Salamat Divon ha!" Clere said.
.
=======================
VOTE and COMMENT💜😂😂😂😂😂
#Fhar PSN
//05//
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Novela Juvenil#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...