Chapter #14- Flashback on Perya

1.2K 44 2
                                    


>Xyra's POV<

"Tina naman eh!" pangungulit ni Cloe kay Tina.

"Hindi pwedi, after exam mo lang makuha yun!" sabi ni Tina.

"Sabi mo kagabe ngayon mo ibibigay eh!"- Cloe.

"Hindi ka kasi nag-aaral dahil dun eh, kaya tumigil ka ha!" Pinakitaan pa ng kamao nia si Cloe kaya nagpout nalang ito.

Natatawa ako sakanila, tinago kasi ni Tina yung Pokimon na binigay ni Stiven kay Cloe kaya ayan kulit ng kulit si Cloe.

Parang si Tina kasi ang nagsisilbing nanay namin eh.

Nandito kami ngayon sa Van papuntang school, Martes pala ngayon, buti nakapagstudy ako ng Math kasi may quiz kami ngayon.

Pagdating namin ng school humiwalay na ako sakanila, Parepareho din kaming Grade 11 pero nasa section 1 ako, lahat kasi ng may 90 above ang grades ay sa section 1 pero ewan ko kung paano napunta dun si Yuhan eh wala naman alam yun.

Ayy wait, bat ko naman naisali sa usapan ang unggoy na yun? Hmm.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang classroom, nakayuko akong nagrereview habang naglalakad first period kasi ang quiz.

Pero bigla akong may nabanggang dibdib ng tao, lalaki kasi walang bubs eh.

Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sinu yun.

Tsk, yung unggoy lang pala.

"Hoy, wala ka bang balak na umalis sa dinadaanan ko?" tanung ko, nakatayo lang kasi sia eh.

"Anu bang ginagawa mo? Bat dika tumitingin sa dinadaanan mo?" tanung nia.

"Ha?" nasabi ko saka napatingin ako sa paligid, hala kung hindi lang pala nakatayo si Yuhan dito eh poste pala ang mababangga ko.

"Ahh sorry!" Sabi ko at dumeretso na ako sa daan pero bigla siang nagsalita.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napalingon ako sa tanung nia.

"Maayus naman ako ah, bakit?" nagtataka lang ako, bat naman ako kukumustahin bigla ng unggoy na to?

"I mean nung after mong sumakay ng ferries wheel"

Bigla kong naalala nung sabado sa Perya.

Flashback

Hindi ako makapaniwalang nilibre ako nitong unggoy ng ticket ng ferries wheel.

Ang saya ko dahil makakasakay narin ako nito ng libre.

Hindi ako mapakali nung nasa loob na kami, masyado akong naeexcit, panay tingin ko sa labas, mejo nakakatakot din kasi parang wala kang natatapakan dahil glass yung tapakan pati dingding at upuan, yung atip lang ang hindi eh.

Nung magstart na ito ay kumapit lang ako, mabagal lang pero unti unti ng tumataas yung saamen.

Habang pataas ng pataas, napahigpit ang kapit ko, shit! Nakakatakot na, nakita kong tumayo si Yuhan, hala hindi man lang sia natatakot?

Masyado ng mataas kaya hindi kona mapigil ang sarili ko, napaluha na ako sa takot at bigla akong napaluhod at nayakap ang hita ni Yuhan.

"Huy anung ginagawa mo?!"- tanung nia.

"Ang taas na, natatakot ako Yuhan!" umiiyak kong sabi, nanginginig na ako sa takot eh.

"Uy bitawan mo nga yung hita ko?!" hindi ko sia pinakinggan mas lalo ko pang hinigpitan yung pagyakap ko.

This time I need someone na makakapitan ko na hindi maaareng bumitaw, sobra na akong natatakot, sana hindi nalang ako sumakay nito.

Shit! Gusto ko ng bumaba.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon