Chapter #64- Makulit

724 26 0
                                        


.

>Xyra's POV<

Habang naglalakad ako papuntang office ni Sr. Min ay bigla kong nakasalubong si Clere na nakasimangot.

"Oh Bessy? Saan ka pupunta?" tanung nya sakin.

"Gusto ko sanang alamin ang resulta ng exam ko kay Sr. Min" sagot ko pero bigla syang nalungkot at hinatak nya ako papuntang park.

"Bessy I'm sorry!" Pout nyang sabi.

"Bakit bessy?" Curious kong tanung.

"Galing kasi ako kay Sr. Min at nakita ko yung exam mo:(" - Sya.

"Anung resulta bessy!" Kinakabahan kong tanung.

"Dalawang tama lang makakapasa kana:(" malungkot nyang sabi at bigla akong nanghina, ibigsabihin hindi ako pumasa.

First time na nangyari sakin to, paano na ang scholarship ko?

"Sorry bessy, nais ko sanang pakiusapan si Sr. Min na ipasa kana lang nya pero hindi talaga sya pumayag" sabi nya.

"Bessy,  bakit mo pa yun ginawa? Nakakahiya tuloy kay Sr. Min." sabi ko.

Si Clere talaga..pero Naiintindihan ko naman kung bakit nya yun ginawa.

------

"Anoooooo!!!?" sigaw ni Chloe, nasa Condo na kami.

"Hindi ito maare! Ayokong mawala si Xyra sa school na yun!! Aray! Anu ba Tina?!" reklamo pa nya, pinalo kasi sya ni Tina ng unan sa ulo.

"Napaka OA mo Chloe! Hindi pa tayo sigurado na maki kick out na sya doon, isang subject lang ang hindi nya pinasahan eh" sabi ni Tina.

"Oo nga, isa pa sabi ni Sr. Min sakin ay kahit hindi sya papasa ay hindi rin matatanggal ang scholarship nya" Sabi naman ni Clere.

"Ha? Sigurado ba si Sr.? Eh Academic Scholar yun eh, nagme maintan ng Grades kaya paanong hindi ako matatanggal gayong hindi ako pumasa?" Curious kong tanung.

"Hind ko nga din alam Bessy kung bakit nya yun sinabi sakin" sabi ni Clere.

Nag-aalala ako sa kinabukasan ko, pag nawala sakin ang scholarship ko hindi kona alam kung paano pa ako makakapag-aral.

Nangyari ito sakin simula ng lumayo si Yuhan. . Nag-aaral nga ako pero si Yuhan nasa isip ko. Hayyyss hindi ko inaasahan na mangyayari sakin ito, pinabayaan ko ang pag-aaral ko dahil sa isang lalaki.

"Kung sakaling mapaalis si Xyra sa school, aalis din ako!" Nakasimgangot na sabi ni Chloe with pout.

"Ikaw lang ba Chloe? Sempre kung mangyari yun, lahat tayo aalis din.. Bessy tayo forever kaya di tayo pweding magkahiwalay!" sabi ni Tina.

Kahit na sobra na akong nag-aalala pero nakaramdam parin ako ng saya at tuwa sa sinasabi ng mga kaibigan ko,

"Bessy, wag ka ng malungkot hindi pa tayo sigurado, malay mo totoo rin yung sinabi ni Sr. Min" Clere said and we will make a group hug.

KINABUKASAN

Sabay sabay kaming naglalakad ng mga Bessy ko papuntang room namin pero nakasalubong namin si Sr. Min, nakatingin ito sakin.

"Xyra!" sabi nito.

"Anu po yun Sr.?"- Ako.

"Pinatawag ka sa Principal Office, kaya sumama ka sakin" sabi ni Sr. Min kaya nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko.

Kinakabahan ako, alam kong tungkol na ito sa resulta ng exam ko.

"Sasamahan na kita Bessy!" sabi ni Clere pero pinigilan sya ni Sr. Min kaya nagpout lang ito.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon