.
>Xyra's POV<
.
"Aray!!"
"Ayy sorry!" pagpapa-umanhin ko, mejo napisil ko kasi yung sugat nia.
Nandito kami ngayon sa Leisure room, kasalukuyan kong ginagamot si Zhoff.
"Pasensya kana pala ah, dahil sakin kaya napaaway ka pa" malungkot kong sabi pero hinawakan nia ako sa balikat.
"Anu ka ba, ayus lang kaya ako at wala kang kasalanan" nakangiti niang sabi.
Mabait na nga gwapo pa, kanina ko palang sia nakilala dahil dito sa stomach ache ko.
Flashback~
"Go Stiven!!!" natatawa kami kay Cloe kasi instead na Eagle team ang isigaw si Stiven lang ang sinisigaw nia. Nag effort pa nga siang magpatarpoulin ng picture ni Stiven eh.
Nasa kalagitnaan na ang paglalaro at habang enjoy na enjoy kaming nanunuod at sumisigaw biglang sumakit yung tyan ko.
Panira talaga, sana hindi ko nadamihan ang pagkain ng chocolate kahapon eh.
Nagpaalam ako kay Cleire na magrerest room lang ako.
Tangina! Gusto ko pa naman manuod ng laro eh.
Lumabas na ako ng gym at papunta ako ng rest room.
Kompleto talaga ang school na to, may rest room pa kasi eh.
Habang naglalakad ako bigla akong napahinto at napaupo pero hindi nakapatong ang pwet ko sa lupa yung parang, ah alam nio na yun.
Napahawak ako sa tyan ko, ang sakit na kasi.
"Miss ayus ka lang ba?" narinig kong tanung ng isang lalaki. Tanga ba sya?
"Anu ba sa palagay nio kuya?" sabi ko, tinatanung pa kasi, nakikita nia din naman na hirap na hirap na ako.
"Ahh sige, halika tutulungan nalang kita"
Inalalayan nia ako papuntang Clinic.
Napatingin ako sa mukha nia.. Hala ang gwapo pala nitong tumulong sakin. I think hindi sia taga dito, baka Snake team ito Kakampi.
Pagdating namin ng clinic, pinahiga na nila ako sa bed saka chineck up na ako ng Doctor at dahil nga doon sa chocolate kaya sumakit ang tyan ko.
"Magpahinga kana lang muna dito!" sabi ni Doc. Kaya tumango lang ako.
Nakita kong pumasok yung gwapong tumulong sakin, .. Hala crush kona yata sia? Ayys ewan.
"Kumusta kana?" tanung nia.
"Ayos na ako, salamat kuya" 'salamat pogi' yan sana gusto kong sabihin eh pero nakakahiya naman.
"Ahh, wag mo na akong ikuya.. I'm Zhoff Stanford, you are?" inabot nia yung kamay nia sakin.
Wow, ang cool ng name nia.
"Xyra, Xyralyn Alcantara" tinanggap ko yung kamay nia.
"Nice to meet you Xyra,, lets be friend?" Nakangiti niang sabi, mas lalo siang pumogi ha.
"Yes, why not" ngumiti narin ako.
"Sa snake team ka ba kabilang?" tanung ko pero umiling sya?
"Hindi ah, Eagle team ako"- sya.
"Ha? Pero ngayon pala naman kita nakita dito ah!"- ako.
"Tama ka, sa ibang school kasi ako nag-aaral pero hindi sa pinagmulan ng Snake team" paliwanag nia.
"Ahh kaya pala, so paano mo nalaman na may gaganaping laro dito?" tanung ko.
"Dito nag-aaral ang Lilsis ko eh"- sia. Napatango nalang ako.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romansa#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)