>Yuhan's POV<
"Dude, Ayus ka lang ba?" pukaw ni Divon sakin..
"Oo naman Dude!" sabi ko.
"Talaga? Kanina ka pa kasi tulala jan atsaka nandito na tayo!" sabi nya at saka ko lang napansin na nakarating na pala kami sa Isla.
Mula pa kasi kanina ng umalis kami sa Condo Hanggang dito sa pagsakay namin ng bangka ay natutulala lang ako..
Iniisip ko kasi kung Anung dapat kong gawin para mabawi si Xyra kay Zhoff pero wala parin akong alam.. isa pa naguguluhan ako. Mabait naman at gwapo si Zhoff. . Perfect guy din sya para kay Xyra pero paano naman ang damdamin ko?? Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Xyra!!
"Dude! Halika na!" tawag ni Steven sakin..
Nakisali na ako sa pagsasaya nila sa tabing dagat.. mejo malayo ang hotel dito kaya naisip naming gumawa ng tent..
"Guys! Kailangan natin maghanap ng kahoy para makagawa tayo ng tent!" sabi ni Tito.
Kaya pumunta kami sa gubat.. malapit naman dito, si Tina, Clere at Divon ang naiwan sa baybayin, hindi kasi makalakbay si Tina, may injury kasi ang paa nya.
Naghanap kami ng kahoy na pweding gawing poste sa tent at si Xyra at Chloe ay pang dingding ang hinahanap nila.
"Ok nato guys kaya bumalik na tayo!" sabi ni Tito Min at sumunod naman kami..
Magkasunod kami ni Xyra sa paglakad..sa unahan nya si Zhoff. . . Pero kahit kailan hindi parin nawala ang katangahan ng babaeng ito.. kasi hindi nakatingin sa dinadaanan kaya muntik ng mapatid ang paa nya kung hindi ko lang nahila.. mababangga nya kasi ang malaking kahoy na nakaharang..
Halos magkayakap na kami ngayon kaya bigla ko syang binitawan.. baka may makakita pa.
"Salamat Yuhan!" sabi nya.
"Ikaw parin nga si Xyra!" sabi ko at inirapan ko sya saka nauna akong naglakad sakanya..
Pero pagtalikod ko, hindi ko maiwasang mapangiti.. ewan ko pero parang kinilig ako:)
Pagdating namin sa baybayin ay agad namin sinimulan ang paggawa ng tent.. gumawa naman ng miryenda ang mga girls. . Madali lang namin natapos ang tent.. sisilungan lang naman namin kasi sa hotel din kami matutulog.
Kumain muna kami ng lunch at pagkatapos naglaro sila sa tabing dagat.
Nakaupo lang ako sa isang malaking bato habang pinapanood sila..
Si Chloe at Steven naglalaro ng buhangin.
"Huuuh!" sinira ni Steven yung gawa ni Chloe.
"Ang Bad mo talaga! Tignan mo matatapos kona sana yung kaharian na gawa ko pero sinira mo na naman:(" Nakasimangot na sabi ni Chloe. .
"Eh bat ka pa gumagawa ng kaharian? Eh matagal ka ng naghahari sa Puso ko noh!"- Steven.
(A/N: Ayyyeeee Keleg akets sa StevChloe)
Si Tina at Divon nasa labas lang ng tent, gusto makisali sa laro nila Clere si Divon pero natatakot sa mala amazona nyang girlfriend.
"Momie, sali lang ako sakanila ha!"- Divon.
"Ano', iiwan mo ako dito? Alam mo naman na may injury ang paa ko tapos magpapakasaya ka doon? Sige! Sumali ka pero wag kanang lalapit saaken!"- Tina..
Kaya pout lang ang nagawa ni Divon.
"Bessy, Kumusta na ang paa mo?" Biglang lumapit sakanila si Xyra. .
"Ok na Bessy, kaya ko pa naman maglakad!"- Tina.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Teen Fiction#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...