"Oyy patawarin nyo na kasi ako, wala naman akong ibang hangad kundi ang magka-ayos kayo eh!" pakiusap ni Xyra sa dalawang kumakaladkad sakanya. .
Pero biglang huminto si Yuhan pero hawak parin ang braso ni Xyra. .
"Oh Bakit?" tanung ni Zhoff.
"Ayoko ng ituloy! Baka hikain pa sya."- Yuhan.
"Anu kamo? Kung ganun ipis ang ipaparusa mo!?"- Xyra.
"Anu pa nga ba?"- Yuhan.
"Haaaah!" ngisi ni Xyra na parang takot na takot.
"Edi Ayoko nadin ituloy"- Zhoff.
"Hoy wag ka ngang manggaya!" sabi ni Yuhan kay Zhoff.
"Hindi kita ginagaya, Mahal ko lang si Xyra kaya kahit anu pang Kasalanan nya mapapatawad ko sya.. Eh ikaw, dahil lang sa hikain sya kaya hindi mona itutuloy kasi pag hinimatay sya magiguilty ka..diba?" sabi ni Zhoff. .
Nakangiwi lang si Xyra sa pagitan nila habang hawak parin nila ang mga braso ni Xyra.
"Hoy Zhoff, tumigil ka ha, sinasabi mo bang makasarili ako?"- Yuhan.
"Ganun na nga!"- Zhoff.
"Aba, gago karin ha!"- Yuhan.
"ARAY!!!" Pareho nilang sigaw..kinagat kasi ni Xyra ang kamay nila..
"Tingin ko kailangan nyong mag-usap, sige bye!!" Nakangiting sabi ni Xyra saka kumaripas ng takbo.. inaasar nya ang dalawang Unggoy.
"Hoy bumalik ka dito!" sigaw ni Yuhan at susundan sana si Xyra pero pinigilan ni Zhoff.
"Hayaan mona nga sya, sabi nya mag-usap tayo eh!"- Zhoff.
"Wag mo nga akong hawakan!" iwinaksi ni Yuhan ang kamay ni Zhoff.
"Wow, matapos mong kunin ang bodyheat ko sa pagyakap mo sakin tapos ngayon ayaw mo ng hawakan kita?"- Zhoff.
Hindi sumagot si Yuhan pero Inirapan nya si Zhoff.
"Ah sige uwi lang ako, magpapalit pa ako ng damit" aalis na sana si Zhoff pero pinigilan ni Yuhan.
"Sandali lang!"- Yuhan.
"Bakit?"
"Sa..Salamat sa jacket" pautal na sabi ni Yuhan at nauna syang umalis. Nag smirk lang si Zhoff.
.
>Yuhan's POV<
Masyado naman yata ako nagiging masama,, nagmalasakit sya sakin kagabe kaya dapat lang na magpasalamat ako.. actually mabait naman si Zhoff pero Kahit kapatid ko pa sya maiinis din ako kung ganitong sitwasyon na iisang babae lang ang minamahal namin..
.
.
Kalalabas ko lang galing sa locker ko, nagpalit kasi ako ng damit, at ngayon papunta na ako ng tambayan pero pagdating ko walang tao maliban kay Xyra na...owww totoo ba tong nakikita ko? Ngayon ko lang yata sya nakitang....Nagpapaganda?? Hmm kahit hindi na nya gawin yan, maganda naman talaga sya..
Malapitan nga ang Ipis ko,,, hindi! Ipis ni Zhoff pala.
Kasalukuyan syang naglilipstick at muntik na nya maitapon ang salamin na hawak nya ng makita ako. Natatawa ang loob ko at nabibighani ako sa ganda nya.tsk.
"Ahh Yu..Yuhan, ah...a Anung ginagawa mo dito?" nahihiya nyang sabi habang tinatakpan ng notebook ang mukha pero tinanggal ko yun.
"Wala, Eh ikaw Anu yan ginagawa mo? Nagpapaganda ka?" hindi kona napigilan ang tawa ko.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)