Chapter #57- Outing

764 26 3
                                    


>Yuhan's POV<

Nakasalubong ko yung Butler ni Papa habang pababa ako ng hagdanan... Papasok na ako sa school.

"Young Master, pinapatawag ka ng Papa mo sa Office nya" sabi nito kaya dumeretso na ako sa office ni Papa.

--

"Pinatawag nyo po ako?" tanung ko ng makapasok ako.

"Sumama kana sa Ate mo sa Korea!" Diretso nyang sabi.

"Sinasayang nyo lang po ang oras, malalate na ako" sabi ko saka tumalikod na.

"Kinakausap pa kita Yuhan!" sabi nya kaya napahinto ako saka humarap sakanya.

"Papa, hindi ako sasama kay Ate, dahil hindi ko iiwan si Xyra!" Sabi ko pero ngumisi sya.

"Akala ko ba gusto mo doon?"- Sya.

"Oo, gusto ko doon Pa, pero huli na ang lahat, Ayoko ng umalis dito... Sana noon nyo pa ako pinayagan eh" nakangisi kong sabi.

"Yuhan, kung talagang mahal mo ang babaeng yan at kung nais mo pa syang makatapos sa pag-aaral, sundin mo ang nais ko!" Seryoso nyang sabi.

Kaya natigilan ako sa sinabi nya... hindi yun maaare.. alam kong ang University lang namin ang pag-asa para makatapos sa pag-aaral si Xyra.

"Mamili ka, Sasama ka sa Ate mo at mananatili sa university si Xyra, or dito ka Lang pero maki kick out sya sa school at hindi na makapag-aral pa" his said.

"Papa naman, bakit nyo ba to ginagawa sakin?!"- pangungulit ko.

"Ayoko ng pahabain pa ang usapan, kung gusto mo pa syang makapag-aral, ngayon palang kunin mona ang mga Requirements mo sa school para sa pagtatransfer mo dahil aalis na kayo ng Ate mo next week! Doon kana rin magtatapos!" Sabi nya ng may galit sa mukha.

Padabog ako umalis.. Bwisit!!!

Bakit kailangan mangyari saamen ni Xyra ito? Napaiyak nalang ako sa loob ng kotse ko. Wala na akong magagawa kundi sumama nalang kay Ate para sa kinabukasan ni Xyra.

Papunta ako ngayon ng school pero hindi na ako papasok, wala naman silbi kung papasok pa ako, aalis din naman ako eh.

Kanina pa ako tinetext ni Xyra pero hindi ko nirereplyan, hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Tinatawagan din nya ako pero hindi ko sinasagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Pumunta ako sa principal office, kinuha ko ang mga Requirements ko,, pagkalabas ko nakita ko si Divon, mukang nakita din nya ako pero hindi ko sya pinansin, nagmadali na akong umalis dito sa School.

Pumunta ako ng Condo ko at dito Ako nagdalamhati. Napapaluha ako habang iniisip ko ang susunod na mangyayari.

Mamimiss ko ang mga kaibigan ko higit si Xyra... 6 years pa bago ko sila makita muli.

Babaonin ko nalang ang mga alala ko sakanila.. Alam kong mabibigla sila pag nalaman nila ito pero hindi naman pweding basta nalang ako aalis ng hindi makakapagpaalam sakanila.

----

>Xyra's POV<

Nakakainis ang unggoy na yan, hanggang ngayon hindi parin sya nagpaparamdam. 2 days na ang lumipas simula nung mag usap kami nung isang gabe.. Hindi ko alam kung nasaan sya eh.. pati mga kaibigan nya hindi rin alam..

"Bessy kanina ka pa nakasimangot jan?!" Sabi ni Chloe.

"Bayaan mona nga, malamang wala si Yuhan eh!" Pigil ni Steven sakanya. Nandito lang kami sa tambayan nila, kami nalang ang tao dito sa School, 4:00pm na kasi eh pero ayaw pang umuwi ang mga kasama ko.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon