.
>Zhoff's POV<
"Dude, hindi ka ba sasabay saamen?" tanung ni Divon sakin.
Katatapos lang namin magpractice ng kanta sa tambayan.. next week kasi ang Birthday ko,, sa bahay namin gaganapin at kakanta kami ni Divon.
"Hindi muna Dude, pupuntahan ko pa si Xyra eh!" sabi ko.
"Nasa Restaurant malapit sa university nga pala sila, kasama nya sila Tina!" sabi nya.
"Ah sige, pupuntahan ko lang sya!" Sabi ko saka sumakay na ako sa kotse ko at paalis na pero tinawag pa nya ako.
"Teka lang Dude!"
"Anu yun?"- Ako.
"Wag kang susuko..nais kong pasayahin mo ang kaibigan namin.. pero hindi ibigsabihin nito ay kinakalimutan na namin si Yuhan!" Seryoso nyang sabi.
"Naiintindihan ko Dude.. gagawin ko ang makakaya ko para maging masaya sya!" Sabi ko saka ako umalis patungo sa kinaroroonan ni Xyra.
>Xyra's POV<
"Ayyyeeee Bessy!!! Pakipot ka lang eh!!"
Kanina pa talaga sila.. Inaasar nila ako kay Zhoff... Eh hindi naman totoo yung mga sinabi nilang may lihim akong pagtingin kay Zhoff, friend lang talaga ang turing ko dito. .
"Bessy Bessy!!" Tawag ni Chloe sakin habang sa likod ko nakatingin. Napatingin narin sina Clere at Tina dito..
"Tignan mo, pinag-uusapan lang natin sya, anjan na sya agad Oh!" Sabi ni Tina kaya lumingon din ako sa likod at nakita ko si Zhoff na papalapit saamen.
"Bessy!! Kayo na talaga!" kinikilig na sabi ni Chloe, napasimangot nalang ako sakanila.
"Hi Guys, anung meron?" tanung ni Zhoff pagdating nya dito.
"Ah wala naman Zhoff,, wait lang mga Bessy ha, mag ccr lang ako" sabi ni Chloe saka umalis.
"Ah Tina Pwedi mo ba akong samahan, may kukunin ako sa Kotse ko!"- Clere said.
"Ok lang Bessy, tara na!" sabi ni Tina.
"Ah Zhoff, kaw muna bahala kay Xyra ha, Bye!!" sabi ni Clere saka umalis na silang lahat.
Ang weird naman nila ah..bigla nalang nagsialisan.
"Parang ang saya nyo ng mga kaibigan mo ha?" sabi ni Zhoff ng makaalis sila.
"Hehehehe mga baliw sila!"- Ako.
"Kumusta kana pala?"- Sya.
"Ayus lang naman!"- Ako.
Anyare sakin? Bakit parang naiilang ako sakanya?
"Nga pala, next week ang birthday ko, Punta ka ha!" sabi nya.
OMG, anung ireregalo ko sakanya??
"Ahh-" hindi kona naituloy ang sasabihin ko..kasi ang totoo hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Wag mo ng isipin ang regalo mo, hindi na kailangan yun.. Makapunta ka lang, malaking regalo na yun!" sabi nya saka ininom yung juice ko.
Hayys ibang iba na si Zhoff ngayon..parang ang weird na nya, dati ang resyoso nya lagi sakin pero ngayon parang sobrang close kami at mapang-asar na.
"Alam kong gwapo ako Xyra kaya please wag moko masyadong titigan, baka matunaw ako!" Sabi nya kaya hinampas ko sya sa ulo.
"Aray ko!!"
"Loko ka! Sinung may sabing gwapo ka eh muka kang unggoy!"
"Unggoy na gwapo kaya maglaway ka sa pagpapantasya sakin!"
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)