.
>Yuhan's POV<
Ayoko na sanang magpunta ng celebration ngayon kaya lang ang kulit ng mga kaibigan ko.
Isa pa, ako ang nagpapanalo sa team kaya dapat nandun ako.
Wala akong ganang magparty ngayon pero ayoko naman masira ang tiwala nila sakin dahil lang dito sa walang kwentang nararamdaman ko.
"Huy Dude tumawa ka naman jan!" pangungulit ni Divon.
Tsk! Kanina pa ang lalaki nato ah, sasapakin kona to eh.. Kala mo naman bumagay sakanya yang suot niang Monkey cap... Tsk, lumalabas na naman ang pagkachildish nia...
Ang daming tao dito sa gym, nagsasaya sila, sumasayaw pa yung iba at may kumakanta pa sa stage..
Nakita ko si Xyra kasama ang mga friends nia, nasa isang table sila.
Tumingin pa ako sa paligid nila,, pero hindi ko makita yung gagong kasama nia kahapon.
Yung about sa kahapon pala,, galit parin ako sa ipis na to,, until now hindi ko parin alam kung bakit eh basta parang natatakot ako pagkasama nia ang lalaki na yun,,siguro dahil sanay na akong lagi siang kasama kaya parang ayoko na syang mawala sa tabi ko.
Ngayon lang nangyari sakin to. Ngayon lang ako nakaramdam ng Takot, yung takot na mawala ang isang tao at tangina lang, bakit kay Xyra ko pa ito naramdaman?.
Pagtingin ko sa kinaroroonan nila, wala na sia, Tsk. Bigla nalang syang nawawala?
"Cr lang ako Dude!" paalam ko kay Divon.
Nakalabas na ako doon sa maraming tao at papunta ako ng Cr pero nakasalubong ko si Ipis na nanggaling sa female cr.
Nagkatinginan kami saka napatingin ako sa damit nia.
Ngayon ko lang napansin yung suot niang dress, kita pa yung mga hita nia. Tsk, nakakainis yung itsura nia, ngayon ko lang sia nakitang ganito, kasi nung nasa mga foods kami, nung naunahan ko sya sa chocolate cake, nakadress din sya noon pero hindi naman kita yung hita nia nun, kaya inirapan ko lang sya at nagpatuloy papuntang cr.
.
Pagkalabas ko ng cr ay nandito parin sia? at sinalubong pa ako.
"Yuhan pwedi ka bang makausap?" tanung nia.
"Wala tayong pag-uusapan!" mataray kong sagot.
"May gusto lang naman akong malaman eh!" sabi pa nia pero tumingin lang ako sakanya ng seryoso saka nilagpasan na sya, basta ayoko pa syang makausap ngayon.
Pinigilan nia ako kaya bigla akong nainis kaya iwinaksi ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko pero hindi ko napansin na napalakas pala ang pagwaksi ko nito kaya...
.
Shit!!!..
.
Nakita kona lang syang tumilapon sa sulok.... Fuck!! Nasugatan sya sa noo at dumudugo ito.
Tangina!!!
Bigla akong napalapit sakanya saka hinatak ko sya papuntang clinic.
Nasa likod lang ako ng Doctor habang tinitreat sya nito.
Nakakainis, lagi nalang sya napapahamak nandahil sakin... Dalawang beses na syang hinika dahil sakin tapos ngayon nasugatan ko na naman sya sa noo.
Ng matapos sya ni Doc. itreat umalis na ito saka lumapit ako sakanya.
Seryoso lang ako nakatingin sakanya.. I can't explain what my feelings pero bigla ko nalang syang niyakap ng mahigpit.
Ewan ko pero parang ayokong kumawala sa pagkakayakap sakanya lalo nat hindi naman sya nagrereact.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)