Chapter #81- Save Her

704 21 7
                                    


.
>Zhoff's POV<

"Sige pa Xyra! Ipagtanggol mo pa yang boyfriend mo! Palagi nalang sya tama sayo pero hindi ka naman nya kayang protektahan!"

Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Yuhan. . Wala akong silbi.. palagi kong sinasabi kay Xyra at sa sarili ko na Mahal ko sya pero ni wala nam lang ako nagawa para protektahan sya..

Nasa gitna kami ng dagat ng biglang mamatay ang makina ng banggka.

"Anung nangyari?" Tanung ni Xyra.

"Naubusan yata ng gasoline!"- Yuhan.

Lumapit ako sa makina at sinubukan paandarin pero hindi na talaga. . dahil naubusan nga ng gasoline. .. kaya gumamit nalang kami ng (Hindi ko alam ang tagalog nya pero yung kahoy na ginagamit sa pamamangka)

Yun nalang ang ginamit namin para makarating lang sa isla pero bigla naman bumigat ang banggka. .. masyadong maraming tubig sa loob ng banggka.

"Yuhan, may butas ba itong banggka?" tanung ni Xyra.

"Hindi ko Alam pero hindi naman ganyan yan kanina... baka nabutas sa pagbangga natin doon sa malaking bato!"- Yuhan.

"Bilisan nalang natin!" Sabi ko.

Binilisan na namin pero habang tumatagal bumabagal ng numabagal ang takbo ng banggka at binabawasan ni Xyra ang tubig sa loob ng banggka pero wala parin nangyayari, mas lalo pa itong lumalalim.

"Hala! Lumalalim na ang tubig!" takot na sabi ni Xyra.

"Hindi tayo Makakarating sa isla pag ganito! Kailangan mapagaan ang banggka.." sabi ko.

"Paano? Wala ngang nanyari sa pagbawas ko ng tubig..mas lalo pang lumalalim!" nag-aalalang sabi ni Xyra.

Bigla ko na naman naalala yung sinabi ni Yuhan kanina.. siguro oras na para may magawa naman ako kay Xyra.

.

.

Lumapit ako kay Yuhan at hinawakan ko ang magkabila nyang balikat.

"Dude, ipangako ko mo saakin na ililigtas mo si Xyra! Ikaw na ang bahala sakanya. . May tiwala ako sayo Yuhan!" sabi ko kay Yuhan.

"Zhoff Anung binabalak mo?" tanung ni Xyra sa likod ko kaya hinarap ko sya.

"Xyra, Mahal na Mahal kita, at gaya ng sinabi ko kanina, higit kitang Mahal kaysa sarili ko at oras na para may magawa naman ako sayo!" naluluha konang sabi..

"Zhoff, Anung gagawin mo?" Kinakabahan nyang tanung pero niyakap ko sya saka hinarap ko muli si Yuhan.

"Dude, iligtas mo sya!"

"Zhoff, wag mo ituloy ang binabalak mo!" tinignan ko sya sandali saka bumulong sa sarili. .

"Paalam Mahal ko!"

Sabi ko saka tumalon na ako sa dagat. ..

"Zhooooooooffff!!!!" narinig ko pa ang sigaw ni Xyra pero dahil sa lakas ng alon mabilis narin nagdilim ang lahat.

.

.

>Yuhan's POV<

Hindi ako makapaniwalang ginawa ni Zhoff yun para kay Xyra. . Nakakahiya ang mga sinabi ko kanina... Mahal na Mahal nya si Xyra at nagawa nyang ibuwis ang buhay para dito.

"Hindi maaare!!! Zhoff!!" Umiiyak na sigaw ni Xyra at mukang balak din nyang tumalon kaya nilapitan ko sya at ginapos.

"Xyra makinig ka sakin!" sabi ko.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon