Chapter #37- Group Activity

1K 39 0
                                        


.
>Xyra's POV<

"Guys, umuwi nalang muna daw tayo, sila nalang daw ang bahalang maghanap" sabi ni Clere kaya nagsitayo na kami at lumabas na dito sa police station.

"Mga bata!" napalingon kami sa tawag ng babaeng police.

"Anu po yun?"- Tina.

"Wag kayo sa highway dumaan, baka mapahamak kayo dahil malalim na ang gabi" paalala nito kaya sumunod nalang kami.

Nagshort cut nalang kami.

Habang nasa daan kami ay may natatanaw kaming isang sasakyan na nakaparada malapit sa Park.

Nagbusina sila Divon kaya dumungao si Clere sa bintana.

"Anung problema?!" Sigaw ni Clere.

"Huminto kayo sa tapat ng kotse nayan" sabi ni Divon habang tinuturo yung kotse sa tapat ng park.

.
Huminto kami dito at lumabas kasi nakita naming lumabas din sila Divon.

"Bakit tayo huminto dito?" tanung ni Tina.

"Kotse ni Steven to eh" sabi ni Yuhan habang tinuturo ang sasakyan.

Nilibot namin ang kotse, nakabukas naman ang bintana pero walang tao.

"Saan si Steven?"- Clere.

"Shit!!" narinig kong mura ni Yuhan.

Kinakabahan na talaga ako, pati narin mga kasama ko.. Lahat kami nag-aalala.

Pakiusap, wala sanang mangyaring masama sakanila

Nasabi ko sa sarili ko.

--

"Wag ka ngang makulit!!"- girl.

"Ito naman oh, halika na nga, malalim na ang gabi eh!"- boy.

.
Parepareho kaming napalingon doon sa mga nagsasalita.

At parepareho narin kaming napanganga nung makita namin sila.

.

.

Really?? Si Chloe at Steven ba tong nakikita namin??

And with holding hands pa??

I can't believe.

It is a Miracle.

.

.

.

"Chloe?!/Steven!?"

sabay sabay naming nasabi... Kaming mga girls ay si Chloe ang natawag tapos si Steven naman kila Yuhan.

Kaya napatingin saamen yung dalawang mga Peste na kanina pa namin hinahanap.

.
"Sorry guys, hinanap nyo ba kam-.....Aray!!" sigaw ni Steven, kasi naman binatukan sya ni Divon.

"Halika nga dito!" gigil na sabi ni Tina.

"Arayko aray!! Ang sakit tama na Tina!" nakangiwing sabi ni Chloe kasi kinukurot ni Tina ang tenga nya.

"Peste kang bata ka! Nalibot na namin ang buong siyudad pero nandito ka lang pala" pagalit galit na sabi ni Tina, pero ang totoo masaya sya dahil nahanap na si Chloe... Acting lang naman as a elder sister.

"Sorry na!" pout na sabi nito.

---

"Tangina kang lalaki ka, akala namin may nangyari ng masama sayo pero nagdate lang pala kayo!" narinig ko namang sermon ni Divon kay Steven.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon