Chapter #85- Suitor

918 37 13
                                        


>Xyralyn's POV<

"Ibang klase din ang mga naiisip mo ha😁 hilig mong mangulong ng mga tao gaya ng ginawa mo samin ni Zhoff noon" sabi ni Yuhan ng matapos na yung problema ni Bessy at Steven.

"Oo nga pero nangungulong ako ng tao kasi gusto ko silang magkaayos, di gaya mo kinulong mo ako sa stackroom kasama ng mga ipis, papatayin mo ako!" nakangisi kong sabe.

"Iba naman kasi yun, dahil hindi tao yung kinulong ko doon, kundi magkakapatid na Ipis ang kinulong ko doo-"

Hindi kona sya pinatapos, binigay kona yung dapat nyang makuha pag inaasar ako.. binatukan kona sya..

.

.

.

Haynako Salamat naman at nagkaayos si Bessy at Steven and Sempre kami din ni Yuhan. ..kainis ang gwapo nya kanina.

Kasalukuyan akong nakapila dito sa canteen para mag order ng pagkain..mag-isa lang ako, ngayon huling taon na namin kasi sa school ay tuwing uwian lang kami magkakasama ng mga Bessy ko, kasi magkakaiba kami ng kurso at ibat iba narin ang break time namin.

Engineering Mathematics ang kinuha ko.. Social worker si Clere at Divon. . Criminology si Yuhan. . Doctor naman si Tina at Steven.. si Chloe nag nurse sya.

Buti pa si Tina, Steven at Chloe kasi pwedi silang magsama sama sa isang Hospital.

Tatlong buwan nalang ay magtatapos na kami.. parang kailan lang nung mag transfer ako dito. .

"Girl, narinig mona ba?"

"Ang ano?"

"Si Sir Min, babalik na daw dito?"

"Talaga? OMG namiss ko sya, kailangan ihanda ko ang sarili ko sa pagdating nya!"

"Ambisyosa ka girl.. taken na sya noh, nakatali na sya kay Clere!"

Narinig kong usapan ng mga babaeng nakapila din sa unahan ko..
Talaga? Babalik si Sir Min? Bakit hindi man lang sinabe ni Clere. .Namiss ko din si Sir.

Matapos akong umorder ay kinuha kona ang tray na may lamang pagkain pero ng papunta na ako sa table ko ay bigla kong nakasalubong sila Devora pero nagtaka ako kasi nginitian nila ako.

Anung nakain nila? Hindi ko sila pinansin at umupo na ako sa table ko pero maya maya lang nakita kona silang papalapit saaken hanggang sa nakiupo sa harap ko.

"Xyra, gusto lang namin humingi ng sorry sayo!" sabi ni Mertell. .

"Sorry kung palagi ka namin inaaway! Sana patawarin mona kami" sabi naman ni Nam.

Hindi ako nagsasalita pero napatingin naman ako sa kamay ko na hinawakan ni Devora.

"Xyra pwedi kana ba namin maging kaibigan?" tanung ni Devora.

Huminga ako ng malalim.. hindi ko parin gusto ang ugali nila pero mukang sincere naman sila.. atlis nagsorry na sila kaya ngumiti ako at tumango.

"Oo naman!" nakangiti kong sagot. Kaya nakangiti narin sila at nagtinginan.

"Salamat Xyra" sabi ni Devora saka tumayo at lumapit sila sakin at niyakap ako.

Mabait din pala ang mga ito.

---

Pagkatapos kong kumain ay naggala gala muna ako.. mamaya pa kasi ang klase ko. Ang boring wala man lang akong kasama kaya napaupo nalang ako sa may sofa dito sa likod ng court.

Habang nag-iisa ako dito ay bigla akong may naalala... dito Kasi kami noon nagtatambay tuwing walang klase..

Oo,, si Zhoff ang tinutukoy ko.. miss kona sya.. 6 months na syang nawala.. sana maging maayos ang operasyon nya sa Canada.. kahit na wala na kami ay may natitira pa akong pagmamahal sakanya.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon