Chapter #45- Kulateral

917 38 7
                                    


.
>Xyra's POV<

"Hoy! Gumising kana jan!"

Nagising ako sa sobrang lamig,,binuhusan kasi nila ako ng tubig.

Kinaladkad ako ni Reve patayo.

"Saan nyo ako dadalhin?" tanung ko.

"Bat ba ang hilig mo magtanung?,,hintayin mo lang dahil darating din tayo doon!" sigaw nya sakin.

Nakilala kona pala yung tatlong malapit kay Bryle..nagpakilala kasi sila sakin kagabe at bawat magpapakilala ay sinasampal ako.

Angsasama nila😭😭,,pinipilit kasi nila ako kagabe na tawagan ko si Yuhan at magsinungaling na kunwari nasa panganib ako na wala akong kasama.

Para daw mapuntahan ako ni Yuhan at nangsaganon mahuli nila ito.

Ako naman ay hindi naniwala, kasi ang unang-una, baka hindi maniwala sakin si Yuhan isa pa hindi nya ako girlfriend para gawin yun, at pangalawa ayokong ihulog sa bitag si Yuhan para lang makaligtas ako.

Marami akong utang na loob kay Yuhan,,dahil sa pagtatanggol nya sakin kaya sya na comatose.

Kaya oras narin para makabawi ako sakanya,,hindi ko sinunod yung utos nila sakin kaya pinagtulungan nila ako..

Dimonyo ang mga lalaking ito kasama na si Bryle na minsan naging mabuting tao ang tingin ko sakanya pero demonyo rin pala sya.

Ang dami nila na puro lalaki tapos mag-isa lang akong babae na pinagtulungan.. Hindi na makatarungan ang ginagawa nila.

---

Dinala ako ni Reve sa harap ni Bryle na nakaupo.

Pinaluhod nya ako dito.

"Kung naniwala ka lang hindi kana sana masasaktan pa pero matigas ang ulo mo,,pinagpipilitan mong hindi mo sya boyfriend pero pinagtatanggol mo parin sya!" sabi ni Bryle at may kinuha sya sa bulsa ko,,yung cellphone ko.

Nakatali parin ang mga kamay ko sa likod.

Lumapit pa sya sakin at bigla nyang hinawakan ang mukha ko, nandidiri ako sakanya.

"Sayang kana man Xyra,,bakit kay Yuhan ka pa napunta..huh, bilib din ako sa pagmamahal mo sakanya, ayus lang sayo na masaktan ka, mapagtanggol mo lang sya!" sabi nya saka binitawan na nya yung mukha ko.

At tatalikod na sana sya pero bigla naman humarap at sinampal ako.

Aray ko,,sumusobra na talaga sya,,masakit pa nga yung mga sampal nila kagabe tapos pinag-almusal na naman nya ako ng mas malakas pa.

Buti nalang hindi sumusumpong ang hika ko dahil pag nagkataon ay baka nagkita na kami ni Papa.

"Bakit si Yuhan pa ang minahal mo?! Bakit hindi nalang ako!!!!!??" sigaw nya sakin..umiiyak lang ako sa sakit na nadarama.

Hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi nya.

"Kung hindi mo gagawin,,ako nalang ang gagawa,," sabi nya saka may tinawagan sya sa Phone ko, si Yuhan na yata.

"Hoy Ipis bat ngayon ka lang tumawag? At bakit hindi ka pumasok kahapon?"

Marinig kong sabi ni Yuhan sa kabilang linya. Pero yun lang ang narinig ko dahil inalis na ni Bryle yung loud speaker.

.
>3rd Person's POV<

"Hey Bro, kumusta kana?" sabi ni Bryle.

[Hoy, sinu ka?]- si Yuhan sa kabilang linya.

"Anu ka ba, si Bryle ito noh, hindi mo ba ako namiss?"

[Fuck You Bryle, bakit hawak mo ang phone ni Xyra?! At nasaan sya?!"]

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon