>Xyra's POV<
Finally Grade 12 narin kami, ang bilis ng panahon pasukan na kasi ngayon...
Namiss kona ang mga bessy ko at sempre ang pag-aaral din..
Sabay sabay kami ng mga bessy ko sa pagpasok,, good news din dahil iisang room din kaming apat ngayong G-12 na kami.. ang saya diba? Kasi makakasama kona sila lagi, pare pareho naman kami ng course.
Sabay na kaming pumasok sa room para pumili ng mauupuan.
"Tabi tayo bessy" sabi sakin ni Chloe.
"Hoy hoy! Sa likod kayo ni Clere, kami magtatabi ni Xyra" sabi ni Tina kaya nagpout nalang si Chloe at sumunod nalang.
Bawat line ng bangko ay tag dadalawa ang nakaupo kaya kami magkatabi ni Tina at sa likod si Chloe at Clere.. Hindi magkahalo ang lalaki at babae.
Ayy teka, si Yuhan pala, saang room kaya sya?
"Good morning Guysss!!!" Sigaw ni Divon na kakapasok lang kasama si Steven. . Parang nagulat sila ng makita kami ng mga bessy ko saka lumapit sila.
"Momie! Dito rin pala kayo?" tanung ni Divon kay Tina.. Wow ang sweet ng tawagan ni Divon at Tina ha, Momie and Dadie.
"Wow, masaya to dahil magkakasama tayo sa iisang room!" Nakangiting sabi ni Steven.
"Saang room si Yuhan?" Tanung ko sakanila.
"Ewan ko, hindi rin kasi namin sya nakita mula kanina eh!" Nagkibit balikat na sabi ni Divon.
Asan kaya ang unggoy na yun? Maya maya lang ay dumating na yung Adviser namin na si Ma'am Olivia, ito rin yung adviser ng G-12 noon sa section na to.
Iniexplain na nya saamen ang lahat ng mga rules at kung anu yung mapapag-aralan namin sa first semester. Pero wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi nya dahil sa busy ako sa cellphone ko sa kakatext sa unggoy na yun,, hindi man lang sya nagrereply, naiinis na ako.
"Attention For Everyone!"
Biglang napatigil sa pagsasalita yung teacher at kaming lahat dahil sa nagsalita mula sa speaker dito sa room.
Mula sa principal office yun, bawat room kasi ay may ganito para sa mga announcement. . Hindi lang sa rooms pati narin sa Gym, Clinic, sa Cafeteria at sa iba pang lugar dito sa buong University. Konektado ang lahat nito.
"Makinig kayo sa sasabihin ko!"
Sabi nito.. at teka? Parang kilala ko ang boses nato ah.
"I'm Mr. Dong Yuhan Monticlano! At meron lang akong sasabihin sainyo!"
Tanginang unggoy na yan, nanjan lang pala sya.. saang section kaya sya napunta?
"Nais ko lang ipakilala sainyo si Ms. Xyralyn Alcantara ay pag-aari kona!"
Napatakip ako ng bibig sa sinabi nya! OMG lagut sakin ang unggoy nayun eh. Tumingin ako sa paligid at lahat ng mata ng mga tao dito ay sakin nakatingin lahat... Yung mga girls ay nakangisi na parang gulat na gulat at yung mga boys naman ay nakafoker face lang pero mejo nagulat din..
"Kaya Boys, pinagbabawal kong lapitan sya ng walang paalam sakin dahil malilintikan kayo sakin!"
Napapikit nalang ako sa sobrang hiya. Akala mo namang napakaganda ko na may maglalakas loob na lumapit sakin.
"Yyeeeiiii Bessy!!" Tili ng mga bessy ko kaya tinakpan ko ng notebook ang mukha ko.
"Sa mga girls naman at sa mga teachers, pakitunguan nyo sya ng mabuti gaya ng pakikitungo nyo sakin! Yun lang maraming salamat sa pakikinig"
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)