Chapter #13- Stalk

1.2K 56 0
                                    


>Cloe POV<

"Ano?!, niyakap mo si Yuhan?! Ahhhhh!!!!" tili ko, nakakakilig kasi.

"Hoy tumigil ka nga jan!"

"Aray ko! Anu ba!" ang sakit kasi mambatok tong si Tina.

"Kung makatili ka kala mo ikaw ang yumakap! Yung Playboy mong crush ang atupagin mo kung paano ka makakascore!" nakangising sabi ni Tina sakin, nagpout lang ako at tumahimik na.

Naoffend naman ako dun sa Playboy.

Hmm, ewan ko nga kung bakit ako nagpapakatanga dun kay Stiven, eh alam ko din naman na Playboy talaga yun, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Kahit na alam kong wala akong pag-asa sakanya pero bakit patuloy ko parin siang sinusundan?

Kahit nasasaktan na ako pag may kasama siang iba pero bakit crush ko parin sia and worse hindi ko lang sia basta crush ngayon kundi mahal kona yata sia.

Pero ang pinagtataka ko, kasi nga Playboy sia pero bakit hindi man lang ako kasama sa mga babae nia, eh obvious naman na mas maganda pa ako sa mga babae nia eh.

Isang taon narin mula ng makilala at magkacrush ako sakanya pero di man lang nia ako pinapansin,.

Pero ang saya ko kanina nung nasa Perya kami, aalagaan ko talaga tong Pokimon na binigay nia sakin.

Nagpapasalamat din ako kay Xyra, dahil kasi sakanya napapalapit ako kay Stiven.

BASKETBALL COURT_

Nandito ako ngayon sa hide out malapit sa basketball court, patago kong pinipicturan si Stiven habang nagpapractice ng basketball mag-isa.

Actually puro picture nia ang laman ng camera ko eh,, ewan ko ba basta di ako nagsasawang sundan sia lagi.

Nag-iisa lang sia dito sa court, ewan ko kung saan mga kaibigan nia.

4:25pm na, wala ng mga students dito sa university, hindi rin alam nila Cleire kung nasaan ako.

Sinilip ko muli si Stiven, OMG ang gwapo nia talaga lalo na pagpinapawisan.

>3rd Person's POV<

Habang nagpupunas ng pawis si Stiven ay panay ang silip sakanya ni Cloe sa hide out.

Ng matapos sia sa ginagawa nia ay kinuha na nia yung bola at umalis na dito sa basketball court, sinundan naman sia ng dalaga ngunit palihim lang.

Habang naglalakad ang binata papunta sa tambayan nila bigla siang napahinto, parang may napapansin kasi siang may sumusunod sakanya kaya lumingon sia ng biglaan.

Ayun hindi nakahanda ang dalaga kaya bago pa nia maikubli ang buong katawan sa malaking poste ay naabutan ng tingin ng binata ang kulay orange niang palda.

Dahan dahan lumapit ang binata sa Poste na kung saan duon nakakubli si Cloe.

>Cloe POV<

Oh My God!, muntik na akong makita ni Stiven.

Nandito parin ako ngayon sa malaking poste nagtatago.

Mga 1 minute narin ata ang lumipas saka hinawakan ko ang dibdib ko, hindi na masyadong kinakabahan kaya unti-unti na akong lumabas dito sa poste pero bigla akong nagulat sa nakita ko at nanlaki ang mga mata ko, Oh My GOD!!!........
.
.
.
.
.
.
Mga 5 inches lang ata ang layo ng mga mukha namin ni Stiven. Nanlaki din ang mga mata nia nung makaharap ako.
GOD ang gwapo nia!!! Natutulala tuloy ako, Tsk 'nag-iilusyon kana naman Cloe'

"Cloe? Anung ginagawa mo jan?"

Bigla akong napaayos ng tayo,, so hindi pala ako nag-iilusyon.. Oh My GOD!! Kung ganun nalaman niang sinusundan ko sia?!! Huhuhu!!

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon