>Zhoff's POV<
Dinala ko nalang sya sa isang lugar na pweding makaaliw sakanya. Hindi na ako pumasok ngayong araw..gusto kong maging masaya si Xyra eh.
Nandito kami sa bahay ampunan. Nakikipaglaro sya sa mga bata ngayon.
"Kuya Zhoff, sali po kayo saamen!" Yaya ng isang bata sakin.
Nakisali narin ako.. masaya na akong makita si Xyra na ngumingiti ngayon.
"Ok time out,, mag miryenda muna tayo!" sabi ko, saka kinuha ko sa kotse ko ang isang box na may lamang mga pagkain,, binili ko to bago kami pumunta dito.
"Kuya Zhoff, salamat at dumalaw kayo muli dito" sabi ni Vetty ang nakakatanda sa mga bata. 13 na kasi ito.
Actually lagi akong pumupunta dito kaya kilala kona ang mga bata. Naisip kong dalhin si Xyra dito dahil alam kong maaliw sya sa kakulitan ng mga bata.
"Ate Xyra, bagay na bagay po kayo ni Kuya Zhoff" sabi ni Shy..ang 8 years old.
"Talaga? Hmm pero magkaibigan lang kami ng Kuya nyo eh!" Xyra said.
Masakit din marinig na kaibigan lang kami pero yan ang totoo para sakanya.
"Po? Bakit magkaibigan lang? Dapat magkasintahan, diba Kuya?" Ayyyss ang kulit talaga ng batang to.
"Ha? Ahh.."- Ako.
Tumingin ako kay Xyra at nagkatinginan kami saka ngumiti sya.
"Oh pagkatapos nyong kumain ay maligo na kayo ha para malinis lagi Ok!" sabi ni Xyra...binaliwala nya yung sinabi ni Shy..mas mabuti na yun.
Pagsapit ng hapon ay nagpasya na kaming umuwi na.
"Balik po kayo ha! Bye Ate at Kuya!" Sabi ng mga bata saka nag waves sila.
Ganun din ang ginawa namin bago kami umalis.
"Zhoff?"-Xyra.
"Hmm?"-Ako.
"Pasensya kana ha?" sabi nya habang nasa daan kami pauwi.
"Bakit?"-Ako.
"Hindi kana kasi pumasok dahil sakin" seryoso nyang sabi.
"Anu ka ba Ayus lang sakin yun" nakangiti kong sabi.
"Salamat Zhoff, dahil kahit na minsan nilalayuan kita pero nanjan ka parin!"- Xyra.
"Kaibigan kita Xyra kaya dapat lang na lagi akong nasa tabi mo!" sabi ko.
Mahal lang kita Xyra kaya ko to ginagawa.
>Xyra's POV<
Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko ngayon.. Salamat kay Zhoff.
Hinatid nya ako sa Condo..hapon na kasi kaya wala ng tao sa school. Hinahanap na siguro ako ng mga bessy ko..hindi pa naman ako nakapagpaalam.
Pagdating namin sa Condo ay nakita kona si Tina at mukang inaabangan ako. Pabalik balik sa paglalakad.
Paglabas ko sa kotse ni Zhoff ay nakita nya ako agad saka lumapit sakin/saamen.
"Hoy Xyra! Saan ka ba nanggaling? Bakit wala ka buong araw?" Pagalit na sabi ni Tina pero alam kong nag-aalala sya sakin.
"Sorry bessy, bigla lang kasi sumama ang paki ramdam ko kanina" pagpapaumanhin ko.
"Ahh sige Xyra, mauna na ako ha! Tina!" Paalam ni Zhoff.
"Sige..mag-ingat ka Zhoff, salamat" sabi ko saka umalis na sya... sinundan ko lang sya ng tingin.
"Bat magkasama kayo?"- Tina.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Teen Fiction#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)