.
>Zhoff's POV<.
Pagdating ko dito sa bahay nila ay dali dali na akong bumaba at kumatok sa pinto.Nakatatlong katok ako at bumukas narin pero yung Mama nya ang bumukas.
"Mama..nanjan po ba si Xyra?" tanung ko.
"Iho, anung nangyari? Bakit umiiyak si Xyra?" tanung nito pero mukang hindi naman sya galit sakin.
"Mama, may hindi pagkaunawaan eh.. gusto ko po syang makausap!"
"Sige Iho, pumasok ka,, ayusin nyo ang problema nyo!"
Pumasok na ako deretso sa kwarto nya.. pero nakailang katok na ako pero hindi nya ako pinagbubuksan...tinawag ko nalang sya.
"Xyra please, pakinggan mo naman ako!" Tawag ko at sawakas nagsalita narin sya pero-
"Umalis kana dito! Ayokong marinig ang paliwanag mo! Sinungaling ka! Kaya lumayas kana dito!" Sigaw nya..
"Xyra naman eh, please!!"
Mga limang minuto na akong nakatayo sa tapat ng pinto pero hindi parin nya ako pinagbubuksan. .kaya nanlumo ako.. paano na to?
Wala ng mas mahalaga pa sa buhay ko kundi si Xyra lang pero ayaw na nya sakin.. Birthday ko pa naman bukas pero wala na yung inaasahan kong magpapasaya sakin sa birthday ko.:(
.
.
Pero hindi ako sumuko..pumunta ako sa Sala at kumuha ako ng pen at papel..saka sumulat ako..sinulat ko ang lahat ng paliwanag ko sakanya.
Sana basahin nya ito at Maintindihan nya ako.
Pagkatapos kong sumulat at pinuntahan ko si Tita sa Kusina at binigay ko ang sulat.
"Mama, pakibigay nalang po ito sakanya..!" sabi ko.
"Oh sige.. sana magkaayos na kayo!"
"Sige po..aalis na ako!" Sabi ko saka ako lumabas ng bahay nila.
KINABUKASAN..
Maaga akong nagising, ewan ko kung bakit, samantalang hindi ako makatulog kagabe dahil sa kakaisip kay Xyra..
Tok tok tok!!
Napatingin ako sa Pinto, may kumakatok kasi.. Pero nagulat ako ng buksan ko dahil bumungad sila Popsy at Momsy sabay sabing... HAPPY BIRTHDAY OUR SON!!
Ngumiti ako sa harap nila at hiyakap ko sila pero hindi ako masaya:(
"Salamat Po" I said.
"Oh sige na, maghanda kana dahil marami ng tao sa baba" sabi ni Momsy.
"Sige po!" nakangiti kong sagot saka lumabas na sila.
Naghanda nalang ako para kila Pops and Moms at baka sakaling mabasa din ni Xyra yung sulat ko at pupunta narin sya dito.
.
.
Nasa tapat ako ng pinto malapit sa hagdanan pero hindi pa ako lumalabas.. Nagsasalita yung MC sa Stage at narinig kong tinawag nito sila Pops at Moms.. Pagkatapos nun ay boses na ni Pops ang naririnig ko... Ng sabihin na nya ang pangalan ko ay saka lang ako lumabas...
.
.
Ang dami ngang mga tao, puro mayayaman..nagpapalakpak sila habang pababa ako..
Nilibot ko ang tingin ko pero wala si Xyra, tanging mga kaibigan lang namin ang nandito kaya malungkot ang damdamin ko habang nakangiti sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Fiksi Remaja#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...