Kaizer's POV
Hi ako nga po pala si Kaizer Ash Vonggolia 17 years old at nag-aaral sa Royalty Academy, school na kung saan tanging mayayaman lang ang pwedeng makapasok, kasalukuyan akong nasa grade 12 at ayun lang haha. First day of school namin ngayon kasalukuyan akong naghahanda para makapasok na pagkatapos ng 30 minuto natapos na din akong gawin ang morning routine ko kaya bumaba na ko, pagkababa ko nakita ko sila Mama at Papa sa dining table nakain na ng almusal.
"Good morning Ma, Pa"- Bati ko sa kanila ng makalapit na ako sa table
"Good morning din anak"- Bati din sa akin nila Mama at Papa
Pagkatapos non nagsimula na din akong kumain para makapasok na ako sa school. Pagkatapos kong kumain niligpit ko muna ang mga pinagkainan ko kahit na may mga maids naman kame mas maganda na din yung may kusa ako di'ba? Hindi naman pwedeng lahat ng trabaho iaasa ko sa kanila. Pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan ko pumunta na muna ako ng kwarto ko para kuhanin ang face mask at wig ko, oo tama kayo face mask at wig napasok ako sa school ng naka disguise ayaw ko kasing malaman ng mga tao sa school na ako ang Heir ng Vonggola Group of Companies eh di instant famous ako non kame kase ang isa sa mga pamilyang pinakakilala sa buong mundo all around the world may mga hinahawakang business companies ang mga magulang ko syempre exception na yung Antartica Continent ( Corny ba ni Author? Hahaha sorry na agad) anyway back to reality na tayo sinuot ko na ang face mask at wig saka bumaba na ko pagkababa ko nakita ko sila Mama at Papa sa living room nanonood ng T.V rest day nga pala nila ngayon haha pagkakita nila sa akin agad nila akong nilapitan.
"Anak suot suot mo nanaman yang disguise mo" Malungkot na sabi ni Mama, honestly ayaw ko din naman talagang magsuot ng disguise kaya nga lang nung one time na pumasok ako as Kaizer Ash Vonggolia na walang wig at face mask god nagkagulo yung school dinumog ako daig ko pa nga ata celebrity eh kaya ayun sabi ko sa sarili ko nung araw na yun hindi na ulit ako papasok sa school as Kaizer Ash Vonggolia nakakatakot eh
"Mom sorry ayaw ko din naman pong gawin to eh kaya nga lang yung mga tao sa school nakakatakot baka dumugin nanaman ako"
"Gusto mo ba anak mag announce tayo don na hindi ka nila pwedeng lapitan kapag nasa school ka?" Tanong ni Papa sa akin, hmmm good idea yon kaya nga lang parang ang pangit tingnan hindi naman porket mayaman yung family naming eh pwede na kameng maghari-harian
"Maganda nga yon pa kaya nga lang po parang ang pangit tingnan parang pinagkaitan naman po natin ng rights yung mga tao sa school tama na po yung favour na hiningi natin sa faculty" Sabi ko kay papa, ahh oo nga pala about don sa favour nakipag-usap kasi sila mama at papa sa school na itatago nila yung identity ko kaya sa school ang name ko Kaizer Ash Frilles well ako din naman yun kasi yung middle name ko is Frilles hehe.
"Sigurado ka ba anak? Kasi tingnan mo grade 12 ka na pero wala ka pa ding pinapakilalang girlfriend samin ng mama mo" Sabi sakin ni Papa. Dafakk girlfriend err wala pa sa isip ko yun aral muna
"Darating din po tayo don"
"Oh sige anak kung saan ka masaya susuportahan ka namin ng papa mo" Sabi sa akin ni mama tapos niyakap niya syempre niyakap ko din siya
"Hep hep hep nakakapangtampo naman kayo Sali ako" Si Papa yan childish ba? Haha ganyan talaga yan sa amin sweet masyado pero the best dad yan
"Sige po ma pa alis na po ako" Pagpapaalam ko sa kanila
"Sige anak ingat ka ha"
Pagktapos ay lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa kotse ko, yeah you heard it right may kotse na ako and about sa license meron na din ako hehe special license yung akin hoho. Hinimas himas ko muna yung Ferrari ko bago ako sumakay woooh! Namiss ko tong alaga ko ang tagal ko tong hindi nasakyan eh hihi buong bakasyon kasi nasa bahay lang ako it's either nanonood ako ng anime or naglalaro ako ng online games yun lang ang daily routine ko nung bakasyon boring no haha. Anyway back to reality na tayo naging mabilis lang ang byahe ko papuntang school kasi walang traffic pagkarating ko sa school diretso na ako sa car park para iparada si Hikari, yeah may name kotse ko pagkababa ko ng kotse tilian yung mga babae argh! Ang aga aga ang ingay eh tsk! Kung nagtataka kayo kung bakit sila nagtitilian well nandito na kasi yung apat kong buang na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...