Kaizer's POV
Lunes na ngayon at kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpasok sa school, kung magtatanong kayo kung anong nangyari nung linggo, well nagkwentuhan lang sila maghapon sa garden pagkatapos ay nung malapit nang maggabi ay nagsipag-uwian na din sila.
Tapos na kong magbihis kaya naman bumaba na ako at dumiretso sa kusina para mag-almusal, naabutan ko sila mama at papa na nag-aalmusal sa table kaya naman lumapit na din ako
"Morning Ma, Pa" bati ko sa kanila sabay upo at nagsimula na din akong kumain
"Morning din anak" bati din sa akin ni mama
"Nga pala anak kamusta na kayo ni Rhaine?" napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni papa, mukha namang nagulat sila sa inasta dahil natigil din sila at tumingin sa akin
"Ewan ko Pa" sagot ko na lang tapos ay kumain na ulit ako
"Anong ibig mong sabihin anak?" naguguluhang tanong sa akin ni mama
"Hindi ko din po alam" sabi ko sabay subo ng kanin
"Alam mo Kaizer ang gulo mong kausap, ano ba talagang nangyayari huh?" naguguluhang tanong sa akin ni papa
"Basta wag na lang po natin pag-usapan" sabi ko tapos ay pilit akong ngumiti sa kanila
Nakita ko pang nagkatinginan sila mama at papa tapos ay nagsimula na muli silang kumain
"Eh yung game pala anak kamusta?" muli nanaman akong napatigil sa pagkain dahil sa tanong ni papa
"Masyadong weird yung game papa at hindi ko yon gusto" seryosong sabi ko tapos ay sumubo ulit ako ng kanin
Napansin kong nagkatinginan nanaman sila ni mama pagkatapos ay nagsimula na ulit silang kumain
Teka nga kanina ko pa sila napapansin ah, para bang naguusap yung mga mata nila habang nagkakatinginan sila, ano naman kaya yon?
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na ko sa kotse ko saka ako nagdrive papuntang school
Pagdating ko sa car park ay una kong napansin ang grupo ng mga babae sa gilid na may hawak ng tarpaulin at nakalagay doon yung mukha ko, dude what the fuck?!
Hindi ko na lang sila pinansin pagkatapos ay bumaba ako sa kotse ko saka ako naglakad papasok ng school
Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin sa buong paligid ko pero hindi ko sila pinagksayahang pansinin pa, I don't have time for shits
Pagdating ko sa classroom ay wala pang tao kaya naman umupo na lang ako sa upuan ko pagkatapos ay nagsalpak ako ng earphones ko
Kasalukuyan akong nakikinig sa mga music sa phone ko nang mapansin ko ang pagpasok ni Rhaine, naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko kaya naman yumuko na lang ako pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko
"G-Good m-morning" narinig kong sabi niya kaya naman bahagya kong inangat ang ulo ko
Tinanggal ko muna ang earphone ko sa kaliwang tenga pagkatapos ay tumingin ako sa mata niya pero agad niya itong iniwas
"Good morning din" bati ko sa kanya tapos ay agad na akong tumayo at lumabas ng kwarto
As I thought so, she's really not comfortable with me
Muli nanaman akong napangiti ng mapait pagkatapos ay naramdaman ko na parang iiyak naman ako kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na lang sa secret place ko dito sa school
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Научная фантастикаIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...