Kaizer's POV
Kasalukuyan pa din akong nakahiga sa lupa ngayon habang nakatingin kay Azarael na may ngiting nakakaasar sa kanyang mga labi, masyado akong minamaliit ng isang to
Goddamn it!
Inipon ko ang aking lakas at kumuha ako ng ilang potions sa inventory ko, mabilis ko iyong ininom at nang tumalab na ang effect nito ay agad akong tumayo at nagdash papunta kay Azrael
Nang makalapit ako sa kanya ay bigla siyang nawala sa kinatatayuan, hinanap ko ang presensya niya sa paligid at naramdaman kong nasa likuran ko ito kaya naman mabilis kong iniikot ang buo kong katawan at humarap ako sa kanya saka ko siya hiniwa ngunit tanging after image lamang niya ang nahiwa ko
Muli ay naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko, agad kong icinompose ang katawan ko at mabilis akong nagdash papalayo saka ako tumingin sa pwesto niya pero nang tingnan ko siya ay bigla na lamang siyang nawala sa hangin kasunod nito ang pakiramdam na mayroong humawak sa balikat ko
Nang tingnan ko kung sino iyon ay hindi isang mukha ang sumalubong sa akin kung hindi isang kamao, muli nanaman akong bumulusok patungo sa kabahayan, bawat bahay na nakaharang sa akin ay nasisira hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumigil na ako sa pagtalsik
Doon ko lamang naramdaman kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng suntok na iyon sa buong katawan ko, basag ang rib cage ko at deform ang kamay at paa ko habang ang likod ko naman ay bumaluktot
Fuck this! Kung isang normal na tao lang ako siguradong hindi na ako humihinga ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit hindi ako pinayagan ni mama na gamitin yung dimension immersor nila
At iyon ay dahil sa mayroong mga halimaw dito sa Thera na katulad nitong si Azrael, kapag ang tunay kong katawan ko ang naririto sa malamang ay hindi na ako humihinga ngayon
Pinilit kong igalaw ang kamay kong hindi ganoon kalala ang pinsala at muli akong uminom ng potions, halos maubos ko na ang mga stock ng potions ko sa inventory dahil sa napakalaki ng pinsalang natamo ko
Sa tingin ko ay kapag nakatanggap pa ako ng ganoong klase ng suntok mula kay Azrael ay siguradong tapos na ang laban
Nang tumalab na ang epekto ng potion at naghilom na ang mga pinsala ko sa katawan ay muli na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa dingding ng isang bahay
"Still want to fight huh" napatingin ako sa bubungan ng nasa harapan kong bahay at nakita ko doong nakatayo si Azrael habang nakatingin sa akin "Very well then" sabi niya tapos ay nawala siya mula sa kanyang kinapupwestuhan
Agad kong inactivate ang shadow walker dahil hindi iyon na lamang ang naiisip kong paraan upang maiwasan ko ang suntok niyang iyon, hindi na kakayanin ng katawan ko ang maktanggap pa ng ganoong suntok mula kay Azrael kahit na mayroon pa akong mga natitirang potions sa aking inventory na pwedeng gamitin
Magagamot nga ng potion ang pinsala sa katawan ko dito pero ang pinsala na matatamo ng katawan ko sa Earth ay hindi, hindi na ako magtataka kung makakakita ako ng mga pasa at sasakit ang katawan ko pagbalik ko sa Earth
Natigil ako sa pagiisip nang biglang lumitaw sa harapan ko si Azarael at nakaamba na ang kamao niya, out of instinct ay gumalaw ang katawan ko dahil pakiramam ko tatama sa akin yung kamao niya kahit na nakaactivate yung shadow walker
Nang makita ni Azrael na nailagan ko yung suntok niya ay agad niyang inihanda ang follow up, mabilis siyang nagblink patungo sa itaas ko pero at sisikuhin na sana ang likod ko mabuti na lamang at agad akong nakapagside step at ako naman ang nagcounter
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science-FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
