Chapter 18 - Confusion and Goodbye

1.9K 82 4
                                    


Kaizer's POV

Nang maikalma ko ang sarili ko ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa lagusan pabalik, napansin ko na umiilaw ang notification ko kaya naman tiningnan ko ito

"Congratulations on Defeating Jamon (The Demon Wicked Witch) you received:"

15,000,000 Gold

10,000,000 Exp

Jamon's Staff (Legendary)

Wicked Coat (Legendary)

Wicked Katana (Legendary)

Cursed Daggers (Legendary)

Unknown Spell Book (???)

Kung hindi siguro magulo ang isipan ko ngayon marahil ay nagtatalon na ako sa tuwa dahil sa bigay na loot ni Jamon

Inilagay ko na lang sa inventory ko lahat ng mga gamit na nakuha ko pagkatapos ay chineck ko na ang stats ko

IGN: Dark

Lvl: 300

Race: Exceed

Class: ???

Title: The Hero

HP: 1,000,000

SP: 500,000

DMG: 5,000,000

DEF: 3,000,000

INT: 1,000,000

SPD: 5,000,000

AGI: 800,000

Abnormal nga siguro talaga ako sa game na to, tingnan mo naman yung stats ko! Stats ba yan ng normal na player, the fuck?!

Dahil hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko isinara ko na lang yung VS ko at naglakad na lang akong muli

Lahat ng nakikita ko sa paligid ngayon ay hindi maganda, mga nagkalat na katawan na walang nang mga buhay, mga nagkalat na dugo, mga nasusunog na bahay, at ang magulong paligid

Nakayuko kong nilisan ang Epiria Village at nung makarating na ako sa lagusan ay may nakita akong isang anino sa gilid ng isang puno kaya naman inihanda ko ang sarili ko

Dahan dahan akong lumapit sa puno habang nakahanda ang espada ko

"Magaling ang ginawa mong pagtalo kay Jamon bata" nagulat ako ng bigla itong magsalita pagkatapos ay humarap ito sa akin

Isa siyang babae na kulay green ang balat at napapalibutan ng mga dahon ang buo niyang katawan, siguro isa siyang deity sa lugar na to

"Sino ka?"

"Ako si Koro" sagot niya sa akin, teka parang narinig ko na ang pangalang yon ah, saan ko nga ba narinig yon?

"Ako yung sinasabi sa iyo ni Jamon" bigla siyang nagsalita kaya naman napatingin ako sa kanya, ah oo siya nga! Babae pala siya

"Ano namang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya

"Gusto lang kitang pasalamatan sa ginawa mong pagliligtas sa Epiria Village" nakangiti niyang sabi sa akin, napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin

"Huwag kang magpasalamat sa akin dahil hindi ko nagawang iligtas ang Epiria" malungkot kong sagot sa kanya

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang chin ko pagkatapos ay unti unti niya itong inangat, nang magkaharap ang mukha namin nakita kong hindi pa din niya inaalis ang ngiti niya sa kanyang mukha, dahil sa nahihiya ako sa sarili ko iniiwas ko ang tingin ko pero muli lamang niya itong ibinalik sa kanya

Fantasy Realm OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon