"Babe san ba tayo pupunta?" tanong ko sa baby ko
"Basta sumama ka na lang" malambing na sabi sa akin ng baby ko
"Hmm ang baby ko talaga puno ng surprises"
"Syempre ako pa ba" sabi niya sa akin
"Babe halika nga payakap muna ako" tapos hinila ko yung baby ko pagkahila ko parang slow motion siyang nalingon sa akin at pagkakita ko sa mukha niya
What the fuck!" Fuck anong panaginip yon ang sama shit ang dami daming babae bakit si Rhaine pa argh! Teka anong oras na ba? Tiningnan ko yung wall clock sa kwarto ko
"4:00 pa lang pala ng madaling araw"
*krooooooooook* (Yung tiyan niya yan hindi manok ok)
Hindi na nga pala ako nakakain kagabe kasi nakatulog na agad ako, naghilamos na muna ako at nagpalit ng pang jogging ko balak kong mag-exercise na muna maaga pa naman eh.
Pagkatapos kong maghilamos bumaba na ako kumain na muna ako ng oat meat bago umalis. Diretso ako sa park malapit sa amin doon ako palagi nagjojogging eh.
Habang natakbo ako papuntang park naalala ko nanaman yung nangyari kahapon aish! Ayos lang kaya yung babaeng yon?
Siguro naman ayos lang siya hays! Bahala na nga siya sa buhay niya Malaki naman na yung babaeng yon at saka badtrip pa din ako sa kanya
Pagkabalik ko sa bahay nakita ko sila mama at papa sa dining room nakain lumapit ako sa kanila
"Good morning ma pa" bati ko sa kanila
"Oh anak nakabalik ka na pala san ka ba galing pinagising ka naming kanina kay yaya eh wala ka naman daw sa kwarto mo" tanong sa akin ni mama
"Ah nagjogging lang po ako"
"Umupo ka na dito at kumain na tayo" yaya sa akin ni papa
"Ah sige po" tapos umupo na din ako at nagsimulang kumain, habang nakain kame puro lang kame kwentuhan tawanan at kantyawan haha ganito sa family namin cool diba?
Pagkatapos ko kumain umakyat na ako sa kwarto ko para maligo na maghanda para sa pagpasok, pagkatapos kong maligo narinig ko yung cellphone ko nagriring may natawag tiningnan ko yung caller si Kevin
Bakit naman kaya tatawag tong kumag na to
"Hello!" sigaw ko haha
"Pucha! Ang aga aga badtrip ka" natawa naman ako sa sinabi niya
"Bakit ka nga pala natawag" tanong ko
"Ahh wala daw tayong klase ngayon pero may pasok kaya dalhin mo yung Nerve Gear mo sa school tayo maglalaro"
"Yun lang ba?"
"Oo"
"Ok kita na lang tayo sa school" tapos binaba ko na yung tawag. Nagbihis na ako at pumunta na sa school pagkadating ko sa room kumpleto na yung apat.
"Tagal mo Dude!" sigaw sa akin ni Issei
"Napaaga lang kayo"
"Anyway tara na g na tayo" mukhang excited naman na talaga maglaro si Kurt
"Excited amfufu" sabi ni Ardent
"Akala mo siya hindi, sino ba kasi yung kanina pa kalikot ng kalikot sa Nerve Gear niya?" pang-aasar ni Kurt
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Ficção CientíficaIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...
