Kaizer’s POV
Matapos kong kumain at magpahinga ay agad akong tumungo papuntang Arcadia, pagdating ko sa Arcadia ay agad kong napansin na kakaunti na lamang ang mga tao sa langsangan at ang karamihan sa kanila ay mga nagmamadali
Lahat sila ay may kanya kanyang mga bitbit at nagmamadaling umalis, ang mga sikat na sikat na mga tindahan sa buong kaharian ay puro sarado, maging ang mga bahay ay animo’y inabandona na
Maging ang mga nagmula sa Earth na normal na nagkalat sa kaharian ng Arcadia ay wala din, mukhang inilikas na ni King Chronos ang karamihan sa mga mamamayan ng Arcadia
Pagdating ko sa palasyo ay agad akong sinalubong ni Jules at sinamahan patungo sa throne room, pagdating namin sa loob ay naroroon ang hari kasama ang kanyang mga heneral pati na din si Gramps
“Kaizer!” bati sa akin ni King Chronos ng makita niya ako at nagkamay kami “Kamusta ka na?”
“Ayos lang po” magalang na sagot ko sa kanya, nagkamustahan lang kami saglit pagkatapos ay sinimulan na ang pagpupulong
“Chronos kamusta na ang paglilikas sa mga mamamayan ng Ningen at Demoria” tanong ni gramps
“Kasalukuyan ay malapit ng matapos ang paglilikas sa mga mamamayan ng Ningen at Demoria, sa aming tantya ay pagkatapos ng araw na ito nailikas na ang lahat ng mga mamamayan ng Ningen at Demoria sa Ignis” sagot ni King Chronos
“Mabuti kung ganon. Pagkatapos niyong mailikas ang mga mamamayan ng Thera sa Ignis ay sumunod na din kayo agad, delikado na ang sitwasyon ng Thera at maging ng Earth ngayon. Mas makabubuti kung tutulong ka sa pagsasaayos ng Ignis at para na din ipahatid ang balita sa mga taga Earth”
“Masusunod” mabilis na sagot ni King Chronos
“Kung gayon ay makakaalis ka na” utos ni gramps na agad namang sinunod ni King Chronos, saglit nitong tinapik ang aking balikat at ngumiti sa akin pagkatapos ay umalis na ito kasama ang kanyang mga heneral at mga kawal niya
“Kamusta ang pakiramdam mo Kaizer?” tanong sa akin ni gramps
“Ayos naman po ang pakiramdam ko pero pakiramdam ko may nagbago sa katawan ko”
“Hmmm… nararamdaman mo pa ba sa iyong katawan ang pagdaloy ng demonic at angelic powers mo?” sabi na nga ba at may alam si gramps sa kung anong nangyayari sa akin eh
“Kanina pagkagising ko ay sinubukan kong pakiramdaman ang daloy ng demonic at angelic powers ko pero kahit anong gawin ko ay wala na akong maramdaman na ganong kapangyarihan na dumadaloy sa aking katawan” paliwanag ko “Pero may misteryosong kapangyarihan na dumadaloy ngayon sa katawan ko, hindi ko alam kung ano ito pero mas malakas ang kapangyarihang ito kumpara sa demonic at angelic powers ko” dagdag ko pa
Sandaling tumatango si gramps at nakangiti siya ng malapad sa akin na para bang may magandang nangyari
“Magaling! Magaling! Magaling!” paulit ulit niyang sabi, bakas sa boses niya ang tuwa kaya naman napaisip ako
Ano ba talagang nangyari sa akin?
“Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang nangyari Kaizer” mukhang napansin naman ni gramps na naguguluhan ako kaya sinimulan na niya ang pagpapaliwanag “Ang demonic at angelic powers mo ay hindi nawala Kaizer” napanganga ako sa sinabi ni gramps at magsasalita na sana pero sinenyasan niya akong tumahimik “Ang demonic at angelic power mo ay naging isa, sigurado akong naramdaman mo din ito matapos kong direktang ituro ng aking daliri ang eksaktong lugar kung saan nakasentro ang kapangyarihan mo” tumango naman ako dahil tama ang sinabi niya “Nung panahong iyon ay tinanggal ko ang seal na siyang humaharang sa totoong anyo ng iyong demonic at angelic powers Kaizer, dahil ang totoong demonic at angelic powers mo ay iisa lamang ang pinagmulan at ang tawag sa kapangyarihang iyon ay TRUE EXCEED. Ito ang tawag sa kapangyarihang taglay ng mga Exceed” imbis na makakuha ng sagot ay pakiramdam ko mas lalo lang dumami ang tanong ko dahil sa paliwanag ni gramps “Ang Exceed race ay ang siyang pinakaninuno ng mga Demons, Angels, Humans, at ang dalawang pinakaespesyal na race na Astrals, at Voids. Ang limang lahi na iyon ay may kanya kanyang gampanin upang balansehin ang lahat sa buong kalawakan, ang lahi ng mga Angels ang responsible sa pagsasaayos sa ‘Eden’ o ang mundong ipinangako, ang mga Demons naman ang responsable sa ‘Macai’ o ang mundo ng parusa, ang Eden at ang Macai ay ang dalawang mundo na siyang pundasyon upang balansehin ang ‘Realm of Eternity o ang lugar patungong walang hanggan, ang Macai at ang Eden ay maihahalintulad sa magkabilang mukha ng isang barya dahil ang hindi mawawala ang halaga ng isa kapag nawala ang isa pa. Ang misteryosong kapangyarihan na dumadaloy sa iyo ngayon ay ang mas pinalakas mong demonic at angelic powers at kaya hindi mo na magawa mang maramdaman ang demonic at angelic powers mo sa iyong katawan ay dahil sa ng magsanib ang dalawang kapangyarihan ay naging parte na ito ng TRUE EXCEED” medyo naintindihan ko na ang paliwanag ni gramps
“Kung ganon pala gramps kapag nagawa kong gisingin ang dalawa ko pang kapangyarihan ay maari ko silang pagsamahing apat?” curious na tanong ko
“Hindi mo magagawang pagsamahin ang apat mong kapangyarihan Kaizer, dahil ang Astral at ang Void Realm ay iba sa Demon at Angel Realm. Ang Astral Realm ang pundasyon ng kalawakan o ‘Gala’ at ang Void Realm naman ay pundasyon ng infinity o ‘Qin’ at katulad din ng Macai at Eden ay magkadikit ding pareho ang Qin at Gala” paliwanag ni gramps
“Pero bakit hindi pa din nasasagot ang tanong ko gramps” saad ko
“Katulad nga ng sinabi ko kanina Kaizer, ang dalawang realm ay maihahalintulad sa magkabilang mukha ng isang barya. Ngayon Kaizer tatanungin kita, mayroon bang barya na may apat na mukha?” napaisip ako sa tanong ni gramps at mukhang naiintindihan ko na ang punto niya “Mukhang naiintindihan mo na ang punto ko Kaizer pero hayaan mong ipaliwanag ko ng mas mabuti sa iyo. Ang Macai at Eden ay responsable para sa espiritwal na mundo, lahat ng mga namamatay ay nagtutungo sa Macai o di kaya sa Eden depende sa kung saan sila ilalagay ng ‘Realm of Eternity’ habang ang Qin at Gala naman ay masasabing responsable sa pisikal na mundo o ang tirahan ng lahat ng mga nabubuhay na lahi at paggawa ng mga bagong lahi, ang Qin at Gala ang siyang gumagawa ng mga bagong realms o mga mundo na magiging tirahan ng mga bagong lahi. Ang dalawa ay responsable sa espiritwal na mundo at ang dalawa naman na natitira pa ay responsable sa pisikal na mundo, mukha man silang konektado ay magkaibang magkaiba naman ang kanilang trabaho” ngayon ay talagang naiintindihan ko na ang punto ni gramps
“Kung ganon pala gramps ay pwede kong pagsamahin ang Void at Astral powers ko kapag nagawa ko na itong gisingin mula sa aking katawan?” excited na tanong ko, dahil kapag nagawa kong gisingin ang dalawa ko pang kapangyarihan ay mas lalong lalaki ang tsansa kong patayin si Divaevus
“Tama Kaizer, sa oras na magawa mong gisingin pareho ang Void at Astral Powers mo ay magagawa mo itong pagsamahing dalawa upang maging parte na ng TRUE EXCEED” masayang sagot sa akin ni gramps
“Pero gramps may tanong ako, katulad ng angelic at demonic powers ko may seal din ba na naghaharang para magsama ang astral at void powers ko?” kagaya ng inaasahan ay tumango sa akin si gramps “Kung ganon gramps ikaw na lang ulit ang bahala para tanggalin ang seal na naghahati sa dalawa” masayang sabi ko pero nagtaka ako ng biglang umiling si gramps sa akin
“Hindi na ako ang responsable sa pagtatanggal ng seal sa void at astral powers mo Kaizer” agad akong nagulat ng marinig ko ang sinabi niya at magpapanic na sana ako ng magsalita pa siya “Pero wag kang magalala dahil sa oras na magising mong pareho ang astral at void powers mo ay siguradong darating sila upang tanggalin ang seal na naghahati sa void at astral powers mo” agad akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko si gramps
“That’s good. Although medyo disappointing na hindi pwedeng pagsamahin ang apat ay ayos na din ang mga nalaman ko, sa tingin ko naman siguro ay may tsansa na akong talunin si Divaevus sa oras na magising at mapagsama kong pareho ang astral at void powers ko” masiglang sabi ko habang pinapakiramdaman ang bago kong kapangyarihan na dumadaloy sa aking katawan
Ngunit napatigil ako ng marinig ko ang pagtawa ni gramps, tahimik lang ako na nakatingin sa kanya habang nagtataka
“May mali ba sa sinabi ko gramps?” takang tanong ko sa kanya
Ilang saglit pa ay tumigil na siya sa pagtawa at direktang tumingin sa akin “Totoong lalakas ka Kaizer kapag nagawa mo ng gisingin ang astral at void powers mo pero hindi pa din ito sapat para talunin mo si Divaevus” seryosong sabi nito na siyang ikatigil ko
Kung kahit taglay ko na ang pinagsamang lakas ng mga kapangyarihan ko at hindi ko pa din kayang talunin si Divaevus eh di paano ko mapapatay ang halimaw na iyon
Agad na bumakas sa mukha ko ang pag-alala habang patuloy akong nagiisip kung gaano talaga kalakas ang halimaw na si Divaevus, pero bumalik ang pag-asa ko ng muling magsalita si gramps
“Pero wag kang mag-alala Kaizer, dahil naniniwala pa din akong kaya mong talunin si Diveavus” seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata “Hayaan mong ikwento ko sa iyo ang kakayahan at istorya ng pinakamalakas na lahi Kaizer” panimula nito “Ang Exceed ang lahi na pinagmulan ng lahat, ayon sa pinakamatandang aklat ay sinasabing nabuhay ang pinakaunang Exceed dahil sa pinagsamang kapangyarihan mula sa Eden, Macai, Gala, at Qin na sinamahan ng isang makapangyarihang esensya. Kung saan nanggalin ang misteryosong kapangyarihang iyon ay walang nakakalam. Nang mabuhay ang pinakaunang Exceed ay taglay nito ang kapangyarihan ng apat na mundo kasama pa ang isang hindi pa natutuklasang kapangyarihan, gamit ang kapangyarihan ng Exceed ay sinimulan niyang gumawa ng ikalawang Exceed at hindi nagtagal ay isinilang na mula sa kapangyarihan ng apat na realm at ng misteryosong kapangyarihan ang ikalawang Exceed hanggang sa naging tuloy tuloy na ang paggawa ng iba pang mga Exceed ang naunang Exceed, mula sa kanyang kapangyarihan at ang kapangyarihan ng apat na realms ay hindi nagtagal at nagsimula na ang panahon ng mga Exceed. Gayunpaman kahit na gawa sa kapangyarihan ng apat na realms ang mga exceed at ng misteryosong kapanyarihan ay may mga Exceed na nagtataglay lang ng isa, dalawa, o di kaya’y tatlong kapangyarihan mula sa realms. Nang mapansin iyon ng naunang Exceed ay napagdesisyunan niyang hatiin ang mga Exceed depende sa mga kapangyarihang taglay nila, ang mga Exceed na ang kapangyarihan lamang ay mula sa Macai ay ipinadala ng naunang Exceed sa Macai at ganoon din ang nangyari sa iba, samantalang ang mga Exceed na may taglay na dalawang kapangyarihan ay ipinapili ng naunang Exceed kung saan nila gustong manirahan at ang mga Exceed na nagtataglay ng tatlong kapangyarihan ay pinapili ng dalawang realm kung saan nila gustong manirahan habang ang mga Exceed na nagtataglay ng apat na kapangyarihan ay hinayaan ng naunang Exceed na manirahan sa apat na realm at ang mga mangilan ngilang mga Exceed na nagtataglay ng apat na kapangyarihan at ng misteryosong kapangyarihan ay isinama ng naunang Exceed sa isang lugar na tinatawag na ‘Exodia’ o ang lugar na tirahan ng mga pinakamalalakas na Exceed. Lumipas ang daan daang mga taon at nagsimula na ang paglikha ng iba’t ibang mga mundo at kasabay nito ang pagsibol ng iba’t ibang mga lahi na nilikha ng mga Exceed mula sa iba’t ibang mga realms.” Woah that’s cool “Ngayon Kaizer naiintindihan mo na ba kung gaano kalakas ang lahi ng Exceed” I instantly nod when gramps asked me “Mabuti kung ganon, gusto ko lamang ipaintindi sa iyo na ang kakayahan ng Exceed ay walang hanggan. Hangga’t hindi nauubos ang kapangyarihan ng apat na realms ay hindi din mauubos ang kapangyarihan ng mga Exceed” masiglang sabi ni gramps
Pero hindi pa din maalis sa isip ko kung paano ko magagawang talunin si Divaevus
“Ngayon naman Kaizer ay ipapakilala ko sayo si Divaevus” out of nowhere bigla na lamang bumigat ang pressure sa buong paligid “Si Divaevus ay ang pinakakinatatakutang nilalang ng lahat ng mga makapangyarihang lahi ngayon sa buong kalawakan, kilala si Divaevus sa kagustuhan nitong wasakin ang lahat ng mga mundong makikita nito at paslangin ang lahat ng mga may buhay na nilalang na nakatira sa mga mundong ito. Wala pang kahit na sinuman ang nakakita sa totoong anyo ni Divaevus dahil ang mangilan ngilang mga nakaligtas mula sa kanya ay iisa lang ang kwento tungkol sa itsura nito. Ayon sa kanila ay para bang binabalot ng walang hanggang kadiliman ang buong katawan ni Divaevus at tanging ang mga nakakatakot na mata lamang nito ang makikita. Ayon din sa kanila ay nagtataglay ng malakas na kapangyarihan si Divaevus na likha mula sa kadiliman” pakiramdam ko ay bigla na lamang binalot ng lamig ang aking buong katawan matapos magkwento si gramps
“Kung ganon pala ay paano natin tatalunin si Divaevus kung sinasabing walang hanggan ang kapangyarihan niya?” nag-aalala kong tanong
“Huwag kang magalala Kaizer” nakangiting sabi sa akin ni gramps tapos ay tinapik tapik niya ang balikat ko “Nakakalimutan mo atang walang hanggang din ang pinagmulan ng kapangyarihan mo” sabi nito sa akin na siyang ikangiti ko “Isa pa naniniwala akong taglay mo ang kapangyarihang iyon” bulong ni gramps na aksidente ko namang narinig
“Anong kapangyarihan gramps?” tanong ko sa kanya dahil nacurious ako sa kung anong kapangyarihan ang tinutukoy niya
“Ang kapangyarihang tinutukoy ko ay ang misteryosong kapangyarihan na pinagmulan ng lahat ng mga Exceed” seryosong sabi nito sa akin “Ang kapangyarihang iyon ang magiging susi upang matalo mo si Divaevus” dagdag pa nito
“Gaano po ba kalakas ang kapangyarihang iyon?” curious na tanong ko
“Ayon sa aklat ay mas malakas pa ang kapangyarihang iyon sa pinagsamang kapangyarihan ng apat na realms” sagot sa akin ni gramps na siyang ikinagulat ko, mas malakas pa sa pinagsamang kapangyarihan ng apat na realms? How powerful is that, holy sheez “Isa pa, may kakayahan din ang misteryosong kapangyarihan na iyon na pagsamahin at kontrolin ang apat na kapangyarihan ng mga realms” dagdag pa ni gramps na siyang mas lalo ko pang ikinagulat
May kakayahang kontrolin at pagsamahin ang kapangyarihan ng apat na realms? What the fuck was that?!
Gaano kalakas yun?! I mean kung mas malakas na yung kapangyarihan yun sa pinagsamang kapangyarihan ng apat na realms tapos ay isasama mo pa ang kapangyarihan ng apat na realms gaano na kalakas yon
The heck… you can bend anything you want when you have that power and create anything you want
Wait… ayon kay gramps may posibilidad na taglay ko ang misteryosong kapangyarihan na iyon…which means
May pagasa pa!
As long as taglay ko ang misteryosong kapangyarihang iyon I can fucking kill Divaevus
“Gramps paano ko malalaman kung taglay ko ang kapangyarihan yun?” excited na tanong k okay gramps
“Madedetermina lang natin kung taglay mo ang kapangyarihang iyon kapag nagawa mo ng gisingin ang lahat ng apat mong kapangyarihan, at sa kaso mo. Kapag nagawa mo ng gisingin at pagsamahin ang void at astral powers mo magagawa na agad nating madetermina kung taglay mo nga ang kapangyarihang iyon” paliwanag ni gramps
“So ibig sabihin, by chance pa din kung taglay ko nga ang kapangyarihang yon?” agad na tumango sa akin si gramps “Kung ganoon ay gaano lang kalaki ang tsansang taglay ko nga ang misteryosong kapangyarihan na yon?” seryosong tanong ko
Napansin kong medyo nagaalangang sumagot sa akin si gramps pero sa huli ay nagdesisyon pa din siyang sumagot
“Wala pa isang porsyento Kaizer” mahinang sagot na naging dahilan upang tumigil ang mundo ko
1%... Gaano lang kalaki ang porsyentong yon sa 100% porsyento na kailangan para taglayin ang kapangyarihan
Wala pa ata sa tuldok… ganon lang kalaki ang tsansang taglay ko ang kapangyarihang iyon at ganoon lang din kalaki ang tsansang matalo ko si Divaevus
Pakiramdam bumagsak ang langit sa akin ng marinig ko si gramps, yung pagasang panghahawakan ko sana ay bigla na lang naglahong parang bula
“Kaizer” mahinahon ang boses ni gramps na para bang inaamo niya ako “Alam kong napakaliit ng tsansang iyon pero ito na lang ang natitira nating pagasa para patayin si Divaevus, kailangan mong maniwala sa sarili mo at sa kakayahan mo. Ikaw na lang ang natitirang pagasa ng lahat Kaizer, kung kaya naman hindi ka pupwedeng mawalan ng pagasa. Dahil hindi pa tapos ang laban habang may pagasa pa” seryosong saad nito “Hangga’t kaya natin lumaban lalaban tayo, hindi lang para sa sarili natin kung hindi para na din sa lahat ng mga nabubuhay sa buong kalawakan, para sa lahat ng mga nilalang na walang kaawa awang pinaslang ni Divaevus, para sa mga planetang walang kalaban labang winasak ni Divaevus at ng mga alagad niya… kailangan nating lumaban hanggang sa huli. Dahil sa mas mabuting mamatay ng nakatayo kesa mabuhay ng nakaluhod”
Nang marinig ko ang mga payo sa akin ni gramps ay bigla na lang naginit ang buong katawan ko, tama si gramps this is not the fucking time to feel horrible
Ngayon ako kailangan ng lahat, ngayon ako kailangang maging matibay, ngayon ako kailangang maging malakas, ngayon ako kailangang maging matatag
Hindi lang ang buhay ko ang nakasalalay sa paparating na laban kung hindi pati na din ang buhay ng lahat
Mula sa kung saan ay bigla na lang lumabas ang ilang sunod sunod na larawan sa aking isipan
Ang mga sanggol na ngayon pa lamang ipinanganak
Ang mga batang masayang naglalaro sa lansangan
Ang mga pamilyang masayang nagkukwentuhan
Ang mga magkakaibang nagkakatuwaan
Ang mga magkasintahang magkayakap at punong puno ng pagmamahalan
“Ito ang…” marahan kong sambit habang nakatingin ako sa kawalan kung saan patuloy ang pagpapakita ng iba’t ibang mga larawan
At matapos ang ilang sandali ay naintindihan ko na ang kung ano at para saan ang mga larawan na iyon
Ang lahat ng iyon ay ang mga masasayang sandali ng iba’t ibang nilalang sa mundo…
Iyon ang mga dahilan kung bakit ako lumalaban…
Iyon ang mga dahilan kung bakit ngayon ay hindi pa din ako sumusuko…
Iyon ang mga dahilan kung bakit kailangan kong patayin ang hinayupak na halimaw na yon…
“DIVAEVUUUUUUUUUUUUSSSSSS!!!!”Gramps’s POV
Kasabay ng pagsigaw ni Kaizer ay ang paglabas ng nakakagimbal na pwersang bumalot sa buong mundo ng Thera, ang sigaw niyang iyon ang simbolo ng galit na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang sarili
Ito ang tunay na kapangyarihan ng mga Exceed… ang kapangyarihang kinakatakutan ng lahat
Hindi ko man masasabing alam ko kung ano ang nadarama ngayon ni Kaizer ngunit alam ko ang dahilan ng galit na inilalabas niya ngayon
Malapit ng magsimula.3rd Person’s POV
Habang patuloy ang pagwawala ng kapangyarihan ni Kaizer ay patuloy din ang paglakas ng pwersa ng kapangyarihang kanyang linilikha
Ang matandang kasama naman ni Kaizer ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan habang may malungkot na ngiti sa kanyang labi, marahang tumingin sa langit ang matanda at pumikit
Kung ano man ang tumatakbo sa isipan ngayon ng matanda ay tanging siya lamang ang nakakaalam, pero isa lang ang sigurado may malaking pagbabagong magaganap pagkatapos nito
Samantala sa isang madilim na bahagi ng kalawakan ay makikita ang isang nakakatakot na nilalang na patuloy ang paglipad patungo sa Thera at Earth
Bahagya itong napatigil at bahagyang naningkit ang mga mata nito ngunit mabilis din itong nawala, kung may makakakita sa nilalang na ito ngayon ay agad nilang masasabi na nakangiti ng malapad ang nakakatakot na nilalang na ito
“Magkikita na din tayo sa ulit sa wakas… Kaizer” bulong ng nilalang at pagkatapos ay mas lalo pa nitong binilisan ang paglipad niya patungong Thera at Earth
BINABASA MO ANG
Fantasy Realm Online
Science FictionIt all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... Secrets inside has been discovered one by one. Join Kaizer as he, his friends and comrades uncovered the hidden realms of Thera. Find cl...